Calum's POV
*Kinabukasan...*
Alas otso na ng umaga, kaya naman susunduin na namin si Jessica. Bumaba na ako sa van na inarkila namin. Tapos, nag-doorbell, buti na lang may nagbukas kagad ng pintuan.
"Goodmorning, Calum." Bati ng papa ni Jessica.
"Goodmorning din po." Bati ko rin
"Ready na nga pala si Jessica."
Tumango lang ako.
"Mag-iingat ka, anak ah." Narinig kong sabi ng mama ni Jessica
"Opo, ma." Sabi naman ni Jessica
"Sige na, hinihintay ka ni Calum sa labas."
Lumabas na ng bahay si Jessica at kinuha ko yung bag niya para buhatin ito. Nang makapasok na kami sa van, binati ni Jessica ng good morning sila Ashton, Michael, Luke at Sarah. Sinimulan na ni Ashton ang pagda-drive ng van.
"Ilang araw tayo sa rest house niyo?" Tanong ni Sarah
''Three days." Sagot ko.
"Three days? Medyo, matagal-tagal din pala."
"Bakit? May problema ba?"
"Wala naman."
Dahil sa sobrang tahimik namin, binuksan na lang ni Ashton yung radyo. Yung tugtog Best Song Ever. Tapos, nagulat na lang ako ng biglang umingay sa loob ng van, kasi kumakanta sila ng sobrang lakas.
----
*Makalipas ang ilang oras...*
Buti naman at nandito na kami sa wakas! Pagpasok namin, namangha sila kasi may nakita silang swimming pool.
"Guys, we have to go inside first." Sabi ko
Pagpasok namin sa mismong loob ng rest house, umupo muna sila sa sofa. Nakakapagod kasi naman talaga yung biyahe at tsaka ilang oras din kayong nakaupo.
"While we are on the van, I've decided that we're going to have a room assignments. Since, this rest house, has three rooms and each rooms has a bathroom." Inform ko sa kanila. "In the first room, it's going to be Jessica and I, in the second room, Luke and Michael and lastly, in the third room, Ash and Sarah." Pagpatuloy ko.
"Cal, can I just share a room with Sarah?" Tanong ni Jessica. "Since, we're the only two girls here.'' Pagpatuloy niya
"Oo nga, Cal. Pwede bang kami na lang ni Jessica yung magkasama sa kwarto?" Tanong naman ni Sarah
"Ayaw mo ba akong makasama sa kwarto?" Tanong ko kay Jessica.
"Ah, eh. Di naman sa ganun, syempre dalawa lang naman kami ni Sarah na babae dito. Mas maganda kung kami yung magkasama." Sagot ni Jessica.
"Mas maganda pa rin siguro kung tayo yung magkasama, paano na lang kung may biglang may pumasok sa kwarto niyo kung kayong dalawa yung magkasama, sino na lang kaya magliligtas sa inyo? Syempre, ayaw ko naman na may mapahamak." Sabi ko naman.
''Wala naman akong magagawa, isa ka sa may ari ng rest house. Kaya, kung ano yung sabi mo, susundin ko na lang." Sabi ni Jessica.
Pagkatapos magsalita ni Jessica, binigay ko na sila yung mga susi. Binuksan ko na yung pintuan ng kwarto namin. Tapos, pagpasok pa lang sa kwarto, umupo na ako sa kama at siya naman naglagay na kagad ng kanyang mga gamit sa cabinet.
"Babe, galit ka ba sa'kin?" Tanong ko.
"Hindi." Sagot naman niya.
"Parang galit ka eh."
Hindi na siya sumagot. Nagpatuloy na lang siya sa paglalagay ng mga gamit sa cabinet. Tumayo ako sa kinauupuan ko at niyakap si Jessica.
"Babe, wag ka ng magalit sa'kin." Malambing kong sabi.
"Hindi nga ako galit sa'yo." Sabi niya na parang naiirita.
"Sige na nga, pumapayag na ako sa gusto mo."
"Okay lang."
"Huh?"
"Okay lang, kahit ikaw yung kasama ko sa kwarto."
Tinanggal ni Jessica yung kamay ko at humiga siya sa kama. Galit sa akin si Jessica, ikaw naman kasi Calum eh. Tama naman talaga siya, dalawa lang silang babae kaya dapat sila yung magkasama sa kwarto. Ang tanga ko naman, di ko naisip yun.