Chapter 25

159 3 0
                                    

Jessica's POV

*Friday...*

Nandito na kami ngayon sa airport. Aalis na sila Calum, nakakalungkot naman. Parang nung Wednesday, magkasama lang kami, tapos ngayong Friday, aalis na ang pinakamamahal kong lalaki. Ang bilis lang talaga ng takbo ng panahon.

"Ayaw ko pang umalis." Sabi ni Calum.

"Kahit ako, ayaw ko rin na umalis ka." Sabi ko naman.

"Basta, Jessica, alagaan mo ang sarili mo habang wala ako. Lalong-lalo na yung baby natin."

"Syempre, di ko pababayaan si baby."

"Mamimiss kita."

"Ako din, mamimiss kita."

"Please, wag ka namang ganyan."

"Bakit naman?"

"Mas lalo ko ng ayaw umalis eh."

"Eh, di wag kang umalis kung talagang ayaw mo."

"Kung pwede lang sana eh."

"I love you, Calum Thomas Hood forever and ever."

"Mahal din kita, future Mrs. Hood."

"Ano?"

"Wala, sabi ko, mahal din kita."

Ningitian namin ang isa't-isa. Calum, wag ka ng umalis, please lang. Di ko kayang mabuhay kung wala ka. Wow! Ang drama.

"Sumama ka na lang sa'kin." Biro ni Calum.

"Pwede ba?" Tanong ko naman.

"Ilalagay kita sa maleta ko."

"Kasya ba ako doon?"

"Hindi ata eh."

Mamimiss ko talaga si Mang Thomas, pati yung corny jokes niya mamimiss ko doon. Wala ng magsasabi sa'kin ng mga ka-cornyhan. Maya-maya, narinig na namin na tinatawag yung flight nila. Kaya naman, tumayo kami at kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit. Habang yakap ko siya, bigla na lang akong umiyak.

"Babe, wag ka namang umiyak." Sabi sa'kin ni Calum.

"Paano ba naman ako di iiyak eh, aalis ka na?" Tanong ko sa kanya, habang ako'y umiiyak.

"Jessica naman eh."

"Calum naman eh."

"Sige na, kailangan na naming lumarga."

Umalis kaming dalawa sa pagkakayakap. Tapos, pinunasan niya yung luha ko. Niyakap ko din sila Ashton, Michael at Luke. Mamimiss ko din silang tatlo! Pagkatapos ko silang yakapin, kinausap muna ako ni Calum.

"Calum, we have to leave now." Narinig kong sabi ni Michael.

"Yeah, I know." Sabi naman ni Calum.

Baby, please don't go.

"Sige na, aalis na kami." Sabi ni Calum

"Ingat ka." Sabi ko naman

"Ikaw din. Basta, yung sinabi ko sa'yo kanina ah."

"Oo, gagawin ko 'yun, para sa'yo."

"I love you, babe."

"I love you too."

Bago pa mang tuluyang umalis si Calum, hinalikan muna niya ako sa labi. Pagkatapos nun, tinignan ko sila habang umaalis. Ayoko ng maging emosyonal, kaya tumalikod na ako at unti-unting lumalakad palabas ng airport.

"Jessica." Narinig kong sigaw ni Calum.

Paglingon ko, nakita ko si Calum na tumatakbo.

"Bakit ka bumalik, may nakalimutan ka ba?" Tanong ko naman.

"May kailangan muna akong gawin bago umalis." Sagot naman niya.

"Ano yun?"

Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumuhod. Teka, anong klaseng pakulo ito? Mas lalo pa akong nagulat nang may kinuha siya sa bulsa niya. It's a small blue box, tapos binuksan niya ito, para makita ko kung ano yung nilalaman ng box. At ito ay singsing!

"Jessica De Villa, will you marry me?" Tanong ni Calum.

"Yes." Sagot ko naman, sabay ngiti.

Tumayo si Calum at niyakap ko siya. Mahal ko naman siya, kaya sinagot ko kagad yung tanong niya. Baka, kasi mawala pa siya sa'kin kung hindi yung isasagot ko. Narinig kong nagpalakpakan yung mga tao. Wow! Para kami tuloy yung center of attraction. Pero, wala na akong pakialam doon. Pakiramdam ko habang nagpo-propose si Calum, kami lang yung tao sa paligid.

I love you, Calum and that's forever.

THE END.

Pareng CalumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon