Chapter 22

128 5 0
                                        

Jessica's POV

*Makalipas ang isang buwan...*

Pagkatingin ko sa orasan, 10am na ng umaga. Bakit ganun, parang tamad na tamad ako kumilos. Napatingin ako sa taong pumasok sa kwarto ko, si Calum lang pala.

"Hoy! Bangon na, 10am na," Sabi ni Calum.

"Ayoko nga." Sabi ko naman habang tinatakpan ko ng unan ang mukha ko.

"Sabi ng mama mo, madalas ka daw magsuka at mahilo."

Nagulat ako sa narinig ko, kaya tinanggal ko yung unan sa mukha mo.

"May dala nga pala ako para sa'yo." Pagpatuloy niya.

"Ano naman yan?" Tanong ko naman.

Inabot sa'kin ni Calum yung box.

Kinuha ko yung box, tapos binasa ko yung nakasulat." Pregnancy test? Hoy! Calum, di ako buntis."

"Pumunta ka na lang sa CR, dali." Sabi niya.

Kahit na tinatamad ako, bumangon na lang ako, feeling boss si Calum eh. Tapos, pumunta na lang ako ng CR, sabi niya eh. Binasa ko yung nakalagay na instruction sa box, tapos sinunod ko yun.

----

*Makalipas ang ilang minuto...*

Di ko na tinignan yung result, kinakabahan kasi ako eh. Kaya, lumabas na lang kagad ako ng CR.

"Oh! Ano yung result?" Tanong ni Calum.

"Ewan ko, di ko naman tinignan." Sabi ko naman.

"Patingin nga." Sabi niya, tapos kinuha yung pregnancy test sa kamay ko

"Dalawang guhit."

''Anong ibig mong sabihin?"

"Buntis ka."

"Ano?"

"Positive, buntis ka."

OMG! Patay, buntis ako. Paano ko ito sasabihin kanila mama at papa?

Pareng CalumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon