Chapter 1:First Day

138 20 95
                                    

Cassandra's POV.

Nakakatamad. Ayan lamang ang tanging nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Nak! Gising na, baka malate ka pa sa school mo, first day mo pa naman ngayon!"

Sa sobrang himbing ng tulog ko, parang ayoko pang bumangon sa kinahihigaan ko.

Hindi ko ramdam yung pagkatuwa ko sa unang araw ng pasok, ang alam ko kasi ay 'yung kambal ko lang ang may gusto sa school na 'yon, at tuwang tuwa siyang makapasok sa eskuwelahan na 'yon.

Nung naalala kong ginigising pala ako ni mama ay bigla akong bumangon na para bang natataranta. Kahit na hindi ko ginustong mataranta nag madali pa rin ako, pano ba naman kasi 'yung kapatid kong magaling excited maka-alis at pumunta sa eskuwelahan na 'yon.

Argh, hindi ko talaga ramdam na pumasok ngayon, eh... pero susubukan ko.

"Hala! Baka malate na ako."
pagkukunwari ko para magising na 'yung kambal ko, actually hindi kami magkasama sa iisang kwarto kasi para kaming aso't pusa na palaging nag-aaway, kaya mom decided to seperate our room.

"Sabi ko naman kasi sayo, anak, bumangon ka na diyan, eh!" Kaya pala ang halos pasigaw ang boses ni mama, nasa baba pala siya habang nagluluto ng umagahan namin.

"Opo, ma, nakabangon na po!" Habang sinasabi ko 'yon, dumiretso na ako sa banyo para maligo at makapag ayos na ako, at dahil unang araw ng klase ngayon ayokong malate ako. At sa 'di inaasahan ay may bigla akong narinig na sumisigaw...

Si Alexandra.

"Hala, 'yung maldita kong kapatid gising na pala." Pabulong kong saad at tsaka na rin nagmadaling maligo.

"Hoy! Sino ba 'yang nasa cr na 'yan?! ang tagal tagal maligo!"

Hala parang ewan, akala mo kung sinong may ari ng cr eh 'no, tsaka hindi niya ba alam na tatatlo lang naman kaming gumagamit ng banyo at makasigaw ng 'Hoy! Sino ba 'yang nasa cr na 'yan?!' kala mo malaking pamilya ang nakatira rito tsk.

"Sandali lang! Kita mong kakapasok ko pa lang, eh!" Sabi ko ng pasigaw rin, eh sumisigaw siya eh kaya sisigaw din ako. Magsigawan tayo dito para masaya.

"Aish, ang bagal bagal kasing kumilos! Dalian mo na diyan kasi baka malate pa 'ko! Ayokong nalalate ako!"

Hays. Ano bang sabi ko? Ayoko rin namang malate, parehas lang kami. Dadalian ko na nga lang maligo nang matahimik na 'yung bibig nitong kambal ko.

"Hayst, buti naman tapos ka nang maligo bagal bagal kasing kumilos, eh!" Kasabay ng sinabi nito ang pag ikot ng kanyang mga mata. Sana 'di na bumalik 'yan sa harap.

Hays makapagbihis na nga, nang makakain at makaalis na dito sa bahay na 'to.

"Good morning, mama!" Bati ko sa aking ina ng may ngiti sa mukha ko.

"Good morning rin, anak! Oh, kumain ka na marami 'tong inihanda kong pagkain para sainyo ng kapatid mo"

"Mmm, mukhang masarap nga 'tong mga niluto mo, ma." Habang sinasabi ko 'yon bumaba na 'yung mabait kong kambal.

"Morning, ma." Saad nito kay mama ng walang emosyon sa mukha nito.

"Morning, sweety!" Sweet na pagkasabi nito kay Alexandra. "Oh, kumain ka na rin Alexandra, sabayan mo na si Cassandra dito sa hapagkainan."

He's Inlove With The Other MeWhere stories live. Discover now