Chapter 5: Love at First Sight

46 16 40
                                    

Pakiramdam ko galit pa ito sa'kin pero bakit nakatingin pa rin siya sa'kin? Kaya naman napayuko na lang ako sa lamesa ko para umiyak na lang.

Alam kong wala kang pake, kaya nagmamakaawa ako na huwag mo na lang akong titigan--pero may narinig akong kumatok sa lamesa ko ng mga dalawang beses.

Pagtingin ko si Mr.Sungit pala 'yon pero teka bakit? Akala ko ba galit pa 'to sakin?

"Uh." pagtingin ko sakanya inabutan niya ako ng panyo nang hindi man lang tumitingin sa'kin. Kaya kinuha ko lang iyon at nag punas na lang agad ng luha.

"Ah, thank you, HA?" Madiin na pagkasabi nito, kahit kailan talaga ang sungit niya.

"S-salamat." Saad ko nang nauutal marahil hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak hanggang ngayon.

"Are you okay?" Seriously? Hayst.

"Grabe ano bang klaseng tanong 'yan Mr.Sungit?" Sabi ko na parang may sipon ako dahil kakaiba ang boses ko lalo na't kakaiyak ko lang.

"Mr.Sungit? Who the hell is he? Me?!" Bulyaw niya sa'kin. Hala, galit na ba siya niyan ngayon? Nako lagot.

"Uh-uhm, ikaw? Oo... bakit h-hindi ba?"

Nako lagot, ang bilis pa naman niya magalit.

"I'm not Mr.Sungit, tss. Bahala ka na nga diyan panget ka!"

Ouch, but i'm sanay na. Kakagaling ko lang din sa mga bruhitang nag bitaw ng masasakit na salita sa'kin, kaya I'm really sanay na talaga.

Hays, tamo napapa-conyo na tuloy ako! Pa'no kasi halos lahat ng estudyante dito ay puro mga conyo parang hindi mga Pilipino!

Pero tignan mo 'to kung pa'no magalit, sino ba namang hindi magugulat sa attitude niya? Salita pa lang ang sungit na. Akala ko rin nakatulong na sa'kin yung pagbigay niya sa'kin ng panyo pero hindi pa rin pala.

"Sungit talaga." Pabulong at malalim na pagkasabi ko.

Sakto naman dumating na yung teacher namin sa Science kaya naman pinunasan ko ng maigi ang aking mga mata gamit 'yung panyo na inabot sa'kin ni Mr.Sungit.

"Good morning, Class!" Oo nga pala malakas yung boses ni ma'am kaya naman gising na gising ang aming nga diwa pag dating sa teacher na ito.

"Okay, bago ang lahat kukuha muna ako ng prayer leader natinuhm, Hannah Maharlika na lang." Hays, buti na lang hindi ako yung tinawag kasi kanina nakadapo na sa'kin ang mga mata ni Ma'am.

"Classmates, are you ready to pray?" Grabe, ang fluent talaga niya mag English 'no? "Classmates, let's greet our Teacher!"

"Okay, good morning, class! You may now sit down." Habang sinasabi ni ma'am 'yon ay may dinistribute itong mga papel.

"Okay, class, I want you to write something good, something nice about your classmate, or what you like about your seat mate. Then write it down on the paper that I'm distributing."

Hala sinong susulatan ko? Nakita ko si Hannah na nag taas ng kamay kaya siya muna ang pinauna ko.

"Uhm, ma'am sino po bang bibigyan ng sulat?" Parehas pala kami ng tanong sa isip ni Hannah.

"The person who's next to you, rather, your seat mate." Hala?! Lagot, wala akong maisip na magandang sabihin sa masungit na 'to hays.

He's Inlove With The Other MeWhere stories live. Discover now