Chapter 39: Realization.

12 6 1
                                    

Cassandra's PoV.

Ginawa ko 'yon para manalo na sila at alam ko naman na matatalo talaga kami kapag pinilit ko pang ilipat 'yung kaliwa kong paa sa kulay pula, kaya idinulas ko na lang 'yung kanang kamay ko at nasubsob pa 'yung mukha ko sa cream. 

Nagulat ako nung inialok ni Mr.Sungit 'yung kamay niya sa'kin kaya naman kinuha ko 'yon ng walang alinlangan at tinulungan niya ako na makatayo.

"Congrats sainyo, hehehe." Sabi ko at tumango lang siya at tsaka binitawan na 'yung kamay ko.

"You, too. It was a good game—"

"Wooohooo! Bossing, we won!"

"Congrats to us!"

"You did great, Cass!"

"Yeah, it's okay to lose! At least we had fun."

"Kanina pa 'yung mga kumag na 'yon na nagrereklamo." Sabi ni Nate at sumang-ayon naman ang iba niyang kasquad sakanya at si Mr.Sungit naman ay napakunot na lang ng noo.

"Hold the fuck up, let me talk to those shitheads."

Pero ang dami nga namang manonood ang nabitin sa huling laro, at nag reklamo ang iba kaya naman umakyat si Mr.Sungit sa stage at halatang napatahimik niya ang lahat sa mga sinabi niya, alam ko na deserve niya talaga maging ruler ng campus ng Maninalia University.

Panigurado alam niya kung anong gagawin niya ngayong siya na 'yung mamamahala sa campus, kasi kung ako man ang nasa puwesto na 'yon panigurado hindi ko alam ang gagawin ko.

Pero nagulat ako nung may tumakbo sa stage para mag salita at sinabing kuya niya daw si Mr.Sungit... may kapatid pala siya?

Nang makabalik si Mr.Sungit ay sinalubong ito ng akbay ng kapatid niya na nagsalita sa stage.

"Stupid kid." Bulong pa nito ng akbayan siya ng kapatid niya.

Teka nakababata niya ba siyang kapatid? At lumapit pa sila sa isang maganda na babae—

"Congratulations, son!" Sigaw pa nito kay Mr.Sungit at tsaka sila nag yakapan. Son? Nanay niya pala 'yon?

'Yon pala 'yung kinuwento niya saakin na biological mom niya. Ang ganda pala pag masdan ni Mr.Sungit kapag nakangiti at masaya sa piling ng ina at kapatid niya—

"So, who's the girl you've compete with?" Narinig kong bulong nung nanay niya kaya naman napatalikod agad ako at pumunta kayla Hayes at niyakap ulit nila ako pero napansin ko na si Tatiana ay nasa gilid lang at naka cross arms.

Alam kong sinadya niyang ipatalo 'yung second round sa twister dahil hindi man lang siya nag sorry kaya iniisip ko na sinadya niya nga talaga 'yon.

"Hey, Ms.Ugly!" Pucha talaga 'tong masungit na 'to. Nako nako nako talaga, humarap ako ng nakangiti at hindi ko alam na nakalapit na pala sila sa'kin.

"Son... I don't think she's ugly." Sabi nung nanay niya kaya hindi ko alam kung namumula na ba ang mga pisngi ko ngayon at awkward akong napangiti sa nanay niya. "But why do you look so familiar." sabi pa nito at lalong lumapit sakin, pinunasan at hinawakan niya pa nga 'yung pisngi ko.

"Mom, what are you thinking? Tss." Sabi bigla ni Mr.Sungit at tsaka hinawakan sa balikat 'yung nanay niya.

"No, she really is familiar to me." Hindi ko alam bakit paulit ulit sinasabi sa'kin ng nanay niya na parang kilala niya raw ako pero unti unti na naman akong nahihilo kaya naman napahawak ako sa ulo ko.

He's Inlove With The Other MeWhere stories live. Discover now