Chapter 8 - Anokata's Move

1.6K 47 45
                                    

Chapter 8 - Anokata's Move

Philippines
June 05, 2021
21:43 PM

Third Person

Tuwang tuwa ang lalaking naka suit habang tinitingnan nya ang mga impormasyong nakuha ng mga tauhan nya. Natigil ang pagngiti nya nang may kumatok sa opisina nya.

"Sumimasen, bossu. We have news from the recruits in Paris." sabi ng isang lalaki.

"What news?"

"The 4 men that you sent to get the recruits in Paris' Gangster Ground were killed. One of them was tortured to death."

"Nandatte?! Ittai nani?!" sigaw ng boss at napatayo. Hinampas nya ang mesa na nasa harap nya na ikinagulat ng lalaki sa harap nya. [What?! Who in the world?!]

"Boku wa hontoni gomenasai, bossu. They were killed by some gangsters. Luckily, the recruits saw what happened so they know who killed the four men." [I'm really sorry, boss.]

Marahang umupo ang boss. "Who killed my men? What are their names?"

"Gomenasai, Bossu. We don't kbow anything, as of now."

"You can go now."

Nag bow ang lalaki bago umalis ng tuluyan.

"Damn it. Di ako nagrerecruit para lang mamatay sila." hinampas nya ulit nang malakas ang mesa sa harap nya na naging dahilan ng pagkasira nito. "Kuso. Nakasira nanaman ako ng mesa. Mga walang kwenta!"

Tumayo sya para kumuha ng wine. Iniisip nya kung paano makaganti sa pumatay sa mga tauhan nya. Di nya namamalayan na may nakatingin pala sa kanya. Binabantayan ang bawat kilos nya.

Binuksan nya ang drawer ng mesang nasira nya. Kinuha nya ang isang litrato. Ang litrato ng isang masayang pamilya.

"Napakatanga naman ng anak nyo. Di pa rin nya alam na niloloko ko lang sya at di ko sya tunay na anak." ngumisi ang boss. "Nasaan na kaya kayo? Di pa sapat ang pagpatay ko sa inyo. Di pa sapat ang ginagawa ko sa mga buhay na kinuha nyo!" nilukot nya ang litarto at tinapon sa harap nya. "Ngayong patay na kayo, ang anak nyo naman ang magbabayad para sa inyo." he laughed loudly and devilishly.

Gulat na gulat naman ang anak nya na nakikinig sa kanya. Di nito namalayan ang unti unting pagtulo ng luha sa mga mata nya. Inis nyang pinunasan ang luha nya at tumakbo.

"Hayop sya. Di pala sya ang tunay kong ama. Pinatay nya ang tunay kong mga magulang. Magbabayad sya!"

June 06, 2021; Wednesday
***** University
8:33 AM

Alexandra

"Di pa ba tumawag sayo si Sakura?" tanong sa akin ni Red.

"Hindi pa. Bakit?"

"Tagal na nyang di tumatawag sa akin, eh. Baka may nangyaring masama dun." tumayo sya at nagsimulang maglakad nang maglakad. Kanan. Kaliwa. Kanan. Kaliwa.

Tumayo ako at pinaupo sya, "Chill ka lang. Ilang araw na ba simula nung di sya tumawag sayo?"

"4 hours. Aray!" nabatukan ko tuloy sya.

"Bwiset! Akala ko naman mga anim na araw na. Ang OA mo!"

"Sorry na. Nag aalala lang naman ako sa kanya eh." sabi nya habang hinihimas ang batok nya.

"Malay mo tulog. Pagod yun diba? Bukod sa mission nya, nakikipaglaban pa sya sa mga gangsters sa Gangster Ground ng country na pinupuntahan nya. Tsaka magkaiba ng oras dito tsaka sa Paris." I said. Biglang dumating si Iann. I smiled habang kinukuha ko ang pagkain na binili nya.

TNITLGQ 2: Ruthless Queen (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon