Chapter 14 - Awared?

642 23 3
                                    

A/n: this chapter is dedicated to  shimishimiye21 dahil pinilit akong magupdate 😂

THIS CHAPTER IS UNEDITED. MADAMING TYPO AND GRAMMATICAL ERRORS.

CHAPTER 14
"Awared"

*******
Singapore
17:18 PM

* Sakura *

"Aray ko naman, Cloud!" sabi ko. Batukan ba naman ako?

"What the hell were you thinking, Sakura?! Di mo ba naisip ang mga consquences ng mga ginawa mo?! Lahat kami nagalala sayo! Alam mo ba yun?!" sigaw nya.

Umirap ako, "Malamang hindi." yumuko ako, "But I'm sorry for all the trouble I caused. I wasn't thinking clearly. Naunahan ako ng emotions ko." nagfidget ang kamay ko ng di ko napapansin.

Ramdam kong umupo silang tatlo sa tabi ko. May kamay na pumatong sa ulo ko kaya tiningnan ko kung sino yun. Si Keith pala. "It's fine, Sakura. Pero wag mo na uulitin yun ah? Sasabog na si Cloud tsaka Shin kanina eh." he chuckled.

Ngumiti ako ng peke, "Sorry talaga. I really wasn't thinking straight and clearly."

"Okay lang talaga, Neesan. What's important is you're safe and you're here with us." sabi naman ni Rui.

I nodded at him and they hugged me tight. Ginantihan ko din sila ng yakap.

"Well, una na muna ako sa taas, ah? Tatawagan ko pa sila Xandra tsaka Shin." sabi ko. They nodded at me so umakyat na ako.

I sighed.

Naiinis ako sa sarili ko. I shouldn't have went there by myself. Di dapat ako nagpadala sa emosyon ko.

Stupid, Sakura!

Hinubad ko ang suot ko at nagpalit ng comfortable na damit tsaka umupo sa kama. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Shin.

"Hello? Nii---"

[SAKURA MIKU FUJIOKA! WHAT WERE YOU THINKING?! I WAS WORRIED SICK! I MADE THEM SEARCH EVERY PLACE SA SINGAPORE JUST TO FIND YOU! WHERE THE FUCK WERE YOU?!]

Nilayo ko ang phone sa tenga ko at napairap. Ang lakas ng boses.

"Sorry, Shin. I wasn't really thinking straight. I don't know what I was thinking or proving. Kaya ko tong mission. Yun lang ang napasok sa utak ko. I don't wanna harm someone because of this fucking mission." sabi ko.

I heard him sighed, [Ang mahalaga ay safe ka. Buti nalang nakapunta agad sina Cloud sayo. If not, baka injured ka na or worse, patay na. Im not saying na di mo kaya but mas okay na may back up ka. Naiintindihan mo?]

"Yes, Kuya. I'm sorry." napayuko ako.

Kasalanan ko nanaman. Ang bobo mo kasi Sakura eh.

[It's fine. Magpahinga ka na muna, Hime. I love you so much.]

I smiled, "I love you so much too, Kuya."

TNITLGQ 2: Ruthless Queen (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon