Chapter 15

648 22 4
                                    

(A/n: Thank youuuu SiiRyal for the cover! I appreciate it hehe thankyouuu ate!)

Chapter 15
"Plan"

Philippines
July 01, 2021
08:30 AM

(A/n: kung may nakapansin ng date last time, june 14 yung date na nawala at nahanap si Sakura. July na ung timeline ngayon so one month na halos simula nung nawala sya.)

• Anokata/Boss •

"It's been a fucking month and you still have no clue about that girl?!" galit kong sigaw. Napatayo ako at dinuro sya, "You're worthless! I'm wasting my time and money! You're fired!"

Nagulat naman sya at biglang lumuhod at nagmakaawa, "Hontoni sumimasen, Bossu! I-I'll do something again. J-Just don't fire me, please!"

"Well, too late." sabi ko at kinuha ang pistol ko at binaril ang butler ko.

Yeah, I killed him. Baka mamaya ay ipagsabi nya pa ang mga ginagawa ko dito at mapahamak pa ako.

I grabbed my phone and dialed one of my men. "Get the butler's body here before my son comes home."

"Yes, sir."

Binaba ko ang tawag at dinial ang number ng anak ko. "Hello?"

"Hey, son. Where are you? I need to talk to you about something. Pwede ba tayong magkita?" sabi ko. Sinipa ko ang bangkay nung butler ko at lumabas sa office ko.

"Ikaw pala, Dad. I didn't bother to look at the caller id. Nandito ako sa Starbucks malapit sa mansion natin."

"Good. Pupunta ako dyan." binaba ko ang tawag at duniretso sa Ferrari ko.

It's time for me to make my move.

Kuala Lumpur, Malaysia
Cloud's Mansion
08:33AM

• Sakura •

Nagulat ako nang ibato sakin ni Cloud ang isang damit at isang pistol.

"Para saan to?" sabi ko. Tangina nito. Nanonood ako dito, eh. Ang ayos na ng upo ko dito tapos tinakpan nya pa ung bowl ng popcorn ko.

"Ibigay mo dyan sa katabi mo." sabi nya. Tumingin ako sa kaliwa ko at nakita si Keith.

"Ikaw na magbigay." sabi ko.

"Ikaw na, Sakura. Tsaka pakisabi sa kanya, binabalik ko na ung gamit nyang iniyakan nya." sabi ni Cloud at umupo sa kanan ko.

Tumingin ako kay Keith. "Pakisabi naman sa katabi mo, di ko na yan kailangan dahil nadumihan na nya. At di ko iniyakan yan." sabi ni Keith.

I looked at Cloud. "Pakisabi naman dyan sa katabi mo, walang germs dyan kaya wag syang maarte."

Tumingin ako ulit kay Keith na nakatingin ng masama kay Cloud. Tumayo sya habang nakatingin pa rin ng masama. Hinila nya rin ako patayo habang hawak ko ung bowl of popcorn ko at hinarap ako kay Cloud. "Pakisabi nga sa kanya na di ako maarte. Sadyang madumi lang sya." tumayo si Cloud at hinarap ako kay Keith.

TNITLGQ 2: Ruthless Queen (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon