Maraming naiyak matapos ang graduation ceremony sa Chaos High. Lalong lalo na sa Section Peace na nagyayakapan pa ang lahat.
"'Wag na nga kayong umiyak! Basta pangako natin ha? Balang araw gagawa tayo ng Subdivision kung saan tayo titira lahat."
•••
14 YEARS LATER...
5:00 am
In a peaceful surrounding, stood an enormous subdivision. There is a big signage na nasa gate which read...
"PEACE VILLE SUBDIVISION"
Unang tingin pa lang sa Subdivision, parang ang peaceful ng paligid. Walang kasing linaw ang mga daanan.
The sun was just about to shine at the tranquil Ville and its rays lit the huge mansions of the entire Peace Ville..
Palagi itong ganito ka peaceful... KAPAG FIVE O'CLOCK PA!
6:00 am
"Matt, Coby, Sarah! Takbo... " nakangising sigaw ng walong taong gulang na si Ezekiel habang nagsitakbuhan sila kasama ng kanyang mga kapatid palabas ng bahay. Saktong paglabas nila ng gate at saka naman nagsiliparan ang mga kutsilyo't tinidor mula sa mansion ng mga Roberts.
Wala pang isang minuto ay napuno na ng ingay ang buong subdivision. Sari-saring sigaw ang maririnig at sari-saring sitwasyon ang makikita..
May naglalambingan...
"Baby, pang walong round pa! "
"Tumahimik ka babe, mamaya na gutom na ako. "
"Yaks! Mom ! Dad! "
May nagmumura umagang-umaga pa lang...
"P*t*ang*na ka, Joseff! Hayop ka, ba't mo ako ginising ng maaga? "
"Baka marinig ka ng mga bata, Shan. "
"Bullshit!"
May masaya lang..
"Good Morning, Hubby!"
"Anong good sa morning?"
May sweet na sweet....
"Yeobo, gising ka na.. Bake tayo ng cookies.. "
"Maya na!Tulog muna tayo"sabay hila sa asawa niya.
May nagbabangayan..
"Paki mo ba? Eh, therefore ang gusto kong gamitin eh."
"Nagsa-suggest lang naman ako na ayos din ang I conclude eh."
"I have a broad dictionary Mr. Wilford, you don't need to suggest anything."
"Ini-englis mo na naman ako umagang-umaga, Cupcake."
"Tss.."
May nagyayabang..
"Honey, gising ka na para makita mo na ang kagwapuhan ko."
"... sige na hon kumain ka na. Gisingin mo na rin yung mga bata"
May nagbabarahan...
"Bebe girl, magshorts ka naman kahit minsan."
"Shorts mo mukha mo! Tumahimik kang asungot ka. Kung gusto mong magshorts, ikaw na lang!"
"Okaaayyy...hands up!"
May isip bata...
"Sweetheart, tara jogging tayo..."
"Tumahimik ka Mr. Cortez, natutulog pa ako. Disturbo!"
"Sweetheart naman eh... *pout*"
May nagpaparinigan...
"Anak wag mong ipahiram sa kapitbahay yang Samsung Phone mo ha.. Baka madungisan pa."
"Anak, wag kang sasama sa mga cheap na Samsung lang ang kayang bilhin! Ingatan mo din yang bago mong iphone S."
May nag-aaway na halos sumabog na ang bahay...
"BAKIT NGAYON KA LANG NAKAUWING DEMONYO KA HA? NAKIPAGLANDIAN KA NA NAMAN SA KABILANG SUBDIVISION ANO?"
"Honey..."
"'WAG MO KONG MAHONEY-HONEY, BUWISIT KA! IPAPAKAIN KO SA'YO TONG KAWALI MO!"
"Honey naman.."
"HUMANDA KA PAG NAABUTAN KITAAAA!"
At syempre, kahit ganyan kagulo ay hindi naman maipagkakailang masaya ang subdivision na ito. Sapagkat ang pagtatayo nito ang fulfillment ng kanilang pangako. Ang magtayo ng subdivision kung saan masaya silang mamumuhay...
Subaybayan nyo ang kanilang storya... Ang masaya, magulo, nakakaiyak at nakakatawang buhay sa Peace Ville Subdivision.
BINABASA MO ANG
Peace Ville Subdivision
HumorWelcome to Peace Ville Subdivision. I hope you can get out with a sane mind. **************************** Humor and Random. You might also see some Actions! But You might also see some serious situations. A collaboration between Natty_Inoue17 An...