Days after the party....
Viniel's POV
"Good morning Yeobo..."bati sa akin ng maganda kong asawa pakagising na pagkagising ko. She was wearing the best smile na naaalala ko pa kung kailan ko unang nakita.
****flashback****
First day of school noon sa Grade 11. Dali dali akong pumasok sa classroom dahil once again, I'm late for the first day. Dahil sa pagmamadali, di ko na napansin ang babaeng tumatakbo din papunta sa classroom. At dahil tumatakbo kaming dalawa, I bumped onto her on the doorstep of our class.
Dahil nga babae sya at may pagka-clumsy, natumba siya sa harapan ko.
"Oh I'm really sorry miss."sabi ko habang tinutulungan siyang tumayo. Nang magtama ang mata namin— holy cow.
"O-okay lang. "Sabi niya at ngumiti.
And for the first time, I have seen the smile of an angel. That moment, I knew that I felt something.
*End of flashback*
Jesus! Ito na naman. Tinititigan ko na naman ang asawa ko. Kaya instead of saying good morning, iba pa ang nasabi ko.
"I love you, Yeobo."Sabi ko. Hahaha. Pahamak!
She smiled yet again. May balak ba syang hulugin ako? Kasi kung oo,panalo na siya. Hulog na hulog na ako.
"I know Yeobo. I love you more."sabi pa niya. Kaya napangiti na ako.
"Ehhhh. Yeobo wag ka nga ngumiti. Nahuhulog ako sayo eh."reklamo niya na parang bata. The feeling is mutual Yeobo. Aba ang unfair kung ako lang nahuhulog. Kaya ngumiti pa ako na ginaya si Kang Daniel. Pfft.
Napalaki naman ang mata niya habang namumula ang pisngi at lumalabas ang dimples. Kapag ganyan na, I know kinikilig siya.
"Yeobo?"tawag ko sa kanya na natutulala.
"Hindi ako kinikilig! Hindi!"sabi niya. Pfft. Sakit niya yan eh. Nasasabi ang iniisip niya. Naaalala ko pa noon...
*flashback*
Nagpa-praktis kami ng sayaw namin para sa finals namin sa P.E. Itong P.E nga naman, paspecial. Dapat naghahanda na kami ngayon para sa finals eh. College life! Tss..
"Huhu. Sino na kapartner ko nyan?"parang bata na sabi ni Winter kay Satana. Magbestfriends yang mga yan. Di na nga kailangang sabihin eh.
Lumapit ako kay Satana. "Anong nangyayari dito?"tanong ko.
Napatingin naman siya sakin. "Ehh, kasi ano.. Di daw muna makakapasok si Mr. Roberts. Kaya ayan, walang partner si Winter."sabi niya.
Napatingin naman ako kay Winter. Umiiyak na ang babae at hindi makatingin sakin. I wonder why.
"It's okay. Ako na lang partner mo."offer ko. Wait! What?
Mabilis siyang lumingon sakin. "It's not okay dahil ayoko."sabi niya ng hindi tumitingin sa akin. Anong problema ng babaeng to?
"Bakit? Bakit ayaw mo? May nagawa ba akong masama?"tanong ko. Pero sa halip na sagutin ang tanong ko, napahinto ang lahat ng sabihin niyang...
BINABASA MO ANG
Peace Ville Subdivision
HumorWelcome to Peace Ville Subdivision. I hope you can get out with a sane mind. **************************** Humor and Random. You might also see some Actions! But You might also see some serious situations. A collaboration between Natty_Inoue17 An...