Mr. and Mrs. Wilford walked on the road under the moonlight papunta sa gate ng Peace Ville Subdivision. Silang dalawa lang ang susundo sa kanilang panganay na anak na si Ice. Ihahatid ito ng kanyang lola sa gate.
"Namiss ko yung ganito."nakangising sabi ni Ace.
Kumunot naman ang noo ni Satana. "Ang alin?"
"Yung tayong dalawa pa at hindi ka pa masyadong abala sa mga bata."sabi niya ng nakangiti pa rin. Ngunit sinumpong ng kasungitan ang asawa kaya umirap lang ito.
"Tigil-tigilan mo ako Mr. Wilford ha. Yang mga banat mo, hindi na tayo teenagers!"
Ngumisi lang lalo ang lalaki. "Ayos lang, alam ko namang mahal mo'ko."
Nang matapat na sila sa bahay ng mga Esteban, narinig nila ang mga mahihinang tawa ng mag-asawa.
"Habulin mo'ko.." narinig nila mula sa bintana ng mga Esteban.
Kahit kailan talaga ay hindi mapigilan ang mag-asawa sa sobrang paglalambingan. Umaga at gabi, talagang walang pagod na nagtatrabaho. Na nagbunga ng kanilang limang anak.
Napailing na lang si Satana. "Ba't ba kasi talaga hindi sila nagsasawaan?"
Tumawa ng mahina si Ace.
"Masipag si Pareng Flynt eh."
Mula sa kinatatayuan ay natanaw na nila ang siyam na taong gulang na anak nila. Tumakbo ito palapit sa kanila.
"Mom, Dad.. Where's Bridge and Axel?"tanong nito na animo'y yelo sa kalamigan.
"Nasa bahay anak."sagot ng mama niya. Nilagpasan lang sila ng bata matapos itong tumango. Kaya sumunod lang din sila.
"Kung bakit kasi Ice ang pinangalan mo dyan! Tignan mo tuloy! Walang kasing lamig! Nagmana din sa pagkamoody mo!"talak ni Satana...
Sa kabilang dako, maghahapunan na sana ang Pamilya Vantress, nang mapansin ni Persephone na wala ang asawa niya.
"Oh Zeus? Nasan papa mo?"nagtatakang tanong ni Persephone.
Nagkibit balikat lang si Zeus.
"I saw him walked out of the door Mom. Baka nasa garden."sabi naman ng isa niya pang anak na si Athena.
Pagkasabi pa lang na lumabas eh bigla na'ng uminit ang dugo niya. Sa isip niyay baka may kinalaman na naman ang kapitbahay nilang bruha.
Kaya lumabas sya mula sa pinto na nasa kusina. Sakto din namang nasa tapat ng bintana ng mga Rutherford si Beatriz. Ang asawa ni Damian Rutherford.
"Hayy naku! Asan na kaya yung asawa ko. Baka naman napasok sa kabilang bahay! O di naman kaya'y pinapasok." Malakas na parinig ni Persephone. Wala si Damian sa kabilang bahay sapagkat nasa Art Exhibit ito sa Singapore.
Narinig naman ni Bea ang reklamo ng kapitbahay dahilan upang sagutin niya ang parinig ni Seph.
"Hayy.. Bakit ba kasi andaming asawang hindi inaalagaan ang mga husband nila. Kaya ayan kung saan-saan pumupunta."
Uminit ang ulo ni Seph. "At kung bakit ba naman kasi andaming kapitbahay na makakati. Wala lang ang asawa nila ay kung sino-sino na ang nilalandi!" Sabi pa ni Seph at pumasok ulit sa loob bago pa siya atakihin ng high blood.
Pagpasok niya ay naabutan niya namang kakapasok lang din ng asawa na nakatingin pa sa hawak nitong cellphone.
"At saan ka nanggaling Mr. Orpheus Vantress, ha? Sagot!"galit niyang sigaw.
Gulat namang napatingin si Orpheus sa asawa niya. Nilapitan niya ito at hinimas ang likod.
"Darling naman. Ang high-blood mo agad. Sinagot ko lang yung phone call galing kay Sir Francisco."
Nawala naman ang galit ni Seph nang marinig ang pangalan. Si sir Francisco Leem ang kanilang adviser noon sa section Peace na parang tatay na rin nila.
"Anong sabi niya?"
"Bibisita daw sila ni Sir Edward bukas."sabi ni Orpheus.
Napangiti naman si Seph. "Oh sige kumain na tayo. Samahan mo na din si Zeus kila Pareng Viniel para ibalita ito sa kanya."
Sa pamamahay naman ng mga Landeric ay sabay naman na nanonood ng produce 101 season 2 habang nakaupo ng komportable sa Couch ang mag-asawa.
"Waaahhh~ Ang gwapo talaga ni Kang Daniel." Sigaw ni Winter. Habang nakahilig ang kanyang ulo sa balikat ng asawa. Ang kamay naman ni Viniel ay nakaabay naman sa kay Winter.
Tumawa nalang din si Viniel. "Ilang ulit mo na bang napanood yan? Inoras-oras mo pang pinanood noong pinagbubuntis mo si Clynt Daniel."sabi ni Viniel ng natatawa pa rin.
Nag pout naman si Winter. "Yeobo naman eh, eh sa ang gwapo ni Danik eh!"isip bata niyang sabi
Ngumiti lang din si Viniel at hinalikan ang noo ng nakapout na asawa. "Oh sige na nga, yeobo. Mas mahal mo naman ako kesa dyan diba?"nakangiti nyang sabi at niyakap ang asawa.
Ngumiti na rin si Winter. "Syempre naman. Saranghaeyo Yebeo."sweet nyang sabi.
"Nado, yeobo."
Nakarinig sila ng katok sa pinto at tumayo si Viniel upang buksan ito. "Oh? Pareng Orpheus. "Gulat na sambit niya. "Pasok kayo."
"Hindi na pare. Late na din kasi. Gusto ko lang ipaalam na pupunta sina Sir Francis at Sir Ed bukas. Kaya may gaganaping party sa bahay bukas ng gabi."
"Ganon ba? Aba sige. Pupunta kami ng pamilya ko."ngiting sabi ni Viniel.
Umalis na din sila Orpheus at pagkatapos ng palabas ay pinatay na rin ng mga Landeric ang mga ilaw. Ganon na din sa iba pang pamamahay sa Subdivision. Ano kaya ang mangyayari bukas? Magkakasayahan kaya o magkakagulo na naman sa Peace Ville Subdivision?
BINABASA MO ANG
Peace Ville Subdivision
ComédieWelcome to Peace Ville Subdivision. I hope you can get out with a sane mind. **************************** Humor and Random. You might also see some Actions! But You might also see some serious situations. A collaboration between Natty_Inoue17 An...