Isang maaliwalas na umaga ang dumating sa Peace Ville. Maginaw ang simoy ng hangin at sobrang tahimik ng kapaligiran sa dakong 6:00 ng umaga. Tahimik na naglalakad si Mrs. Emerald Huxley sa tahimik na subdivision kasama ang anak na si Amethyst.
Kagagaling lang nila sa pamamalengke at pauwi na sila sa kanilang bahay. Bagong lipat lang sila sa Peace Ville dahil noong nakaraang linggo pa lang natapos ang pag construct ng kanilang bahay.
"Coby! Matt! Sarah!Tara na!" sigaw ni Ezekiel at tumakbo na ito palayo sa bahay nila na siyang ikinagulat ng ginang.
"Ezekiel! Wag magmadali at baka madapa kayo! " paalala niya sa mga batang mabilis na tumatakbo. Hindi ata siya narinig ng mga ito.
*Clang* *Boogsh* *Clang**Clang*
Ang narinig ni Mrs. Huxley kaya napatigil siya sa paglalakad.Tiningnan naman siya ng kanyang anak na ani mo ay nagtatanong kung bakit tumigil ang kanyang mommy.
"Mommy? What's wrong? " cute na tanong ni Amethyst.
"Ame? Come here. Dito ka sa gilid ni Mommy. " sabi niya at hinila ang anak niya papalapit sa kanyang kaliwang hita.
"Keep up with me okay? " sabi niya habang hawak ang kanang kamay ng anak at bitbit sa kanang kamay ang paper bag na may laman na pinamalengke nila.
*Clang* *Clash**Boogsh! *
Patuloy pa rin ang mga tunog kaya agad na nagmadaling maglakad si Mrs. Huxley.
'Jusko po! Gabayan nawa kaming dalawa ng anak ko. '
Tunog desperada niyang sabi.
"HAYOP KA! BA'T NGAYON KA PA LANG UMUWI? HA! "
Rinig na rinig ata ng buong subdivision ang galit na galit na boses ni Angela Roberts ang may bahay ni Mr. Gabriel Roberts. Kung gaano kaanghel ang kanilang pangalan, ganon din naman siguro kademonyo ang ugali.
"HONEY! YUNG BUSINESS KASI.."
"WAG MO AKONG MAHONEY-HONEY! BWISET KA! E KUNG ITARAK KO ITONG KUTSILYO SA'YO! "
*BOOGSH* *CLANG*
Napatigil sa paglalakad si Mrs. Huxley dahil may lumipad na mga gamit palabas ng bahay.
Tila tuloy umuulan ng kutsara, tinidor at kutsilyo.
"Mommy! Watch Out! " biglang sigaw ni Ame. At isang kutsilyo ang tumarak sa kanyang dalang pamalengke.
"Ame, karga ka na kay mommy at tatakbo na tayo. Malapit na tayo sa bahay. " sabi niya at nagmadaling kinarga ang anak. Tumakbo siya ng mabilis habang naririnig ang away sa bahay ng mga Roberts na animo'y sasabog na ang bahay.
Pagdating nila sa kanilang bahay na nasa may likuran lang ng mga Roberts ay isang cussing machine naman ang kanyang narinig.
"P*t*ng*na Mo Joseff! Ako pa ba talaga gagawa niyan? " rinig na rinig niyang sabi ni Shannah Ferrer sa asawang si Neil Joseff Ferrer. Kung gaano kadumi ang bibig ni Shannah ,dahil cussing machine nga naman ito, e iyon namang kabaliktaran ni Joseff.
BINABASA MO ANG
Peace Ville Subdivision
HumorWelcome to Peace Ville Subdivision. I hope you can get out with a sane mind. **************************** Humor and Random. You might also see some Actions! But You might also see some serious situations. A collaboration between Natty_Inoue17 An...