SHOPPING MESS

20 3 0
                                    

PEACE VILLE SUBDIVISION

6:34 am

Tahimik na umaga ang bubungad sayo sa loob ng peace ville subdivision. Busy ang lahat sa paghahanda dahil may kanya kanya silang mga lakad. By tahimik, meaning, tahimik peace ville style. Although walang naghahabulan at nagbabangayan,ibang klaseng peace ville na katahimikan naman.

"Daniel! Jastine! Sam! David! Hurry up! Nagmamadali tayo! Akala ko ba excited na kayo?" tawag ni Winter sa mga anak niya. Aalis sila ngayon upang asikasuhin ang enrolment ng mga anak niya.

"Eomma! Kinuha ni Dae yung pantali ko!" Sigaw ni Sam habang tinuturo pa yung kapatid niya.

"David Leigh Landeric, Ibigay mo na yan sa kapatid mo. Naghihintay na sina Tita Tana niyo sa labas." sabi naman ni Winter. Agad naman na ibinigay ni David ang pantali sa kapatid. Agad namang nilapitan si Winter ng anak na si Sam.

"Eomma? Tie my hair please?" sabi pa ni Sam habang ibinibigay ang pantali sa kanyang eomma.Agad naman na itinali ni Winter ang buhok ng anak niya.

"HUYYYY! ANO BA WINTER? HINDI PA BA KAYO LALABAS DIYAN? ABA'T AKALA KO BA NAGMAMADALI TAYO?" sigaw ni Angela sa may pintuan ng bahay ng mga Landeric. Nabigla naman si Winter.

"Naman Gela oh! Pasalamat ka wala akong sakit sa puso." naka pout na sabi ni Winter. Nag roll eyes naman si Angela.

"Yeah, kayo na lang ang hinihintay, ano ba?" pag aapura pa ni Angela.

"OO na! Hintayin niyo na lang kami sa labas. Lalabas na rin kami. " sabi pa ni Winter at kinuha na ang bag niya. Agad naman na sumunod si Angela sa sinabi ni Winter.

"Daniel? Jastine? David at Samantha? Go outside already okay." sabi pa ni Winter sa mga anak bago bumalik sa kwarto nila upang magpaalam sa kanyang asawa.

"Yeobo? Alis na kami ha? May pagkain na sa table. Ikaw na bahala dun. Saranghae Yeobo!" sabi ni Winter at hinalikan pa yung noo ng asawang tulog pa.

"Hmm" ang tanging sagot lamang ni Viniel.

Paalis pa lamang siya ng kwarto ng makarinig siya ng busina ng kotse.Kaya agad na niyang tinakbo ang distansya palabas ng bahay at patungo sa naka park niyang kotse kung nasan nakapwesto na ang mga anak niya.

"Les Geddit!!" sabi niya at pinaandar na ang kotse niya papunta sa school.








"What do you mean?" pagtatanong ni Seph sa adviser ng anak niya.

" Ma'am, ang ibig ko pong sabihin eh enrolled na po ang anak niyo sa grade 3." sabi naman ng guro. Napatango na lang si Seph.

"Naynay! Bili na tayo ng gamit sa school!" sabi ni Hera na nagmamadali pa. Tinitigan niya lamang ang kanyang anak.

"Naynay?" naguguluhang tanong ni Athena sa ina. Hindi niya maintindihan kung bakit parang tulala ang kanyang ina.

"Seph! Tara na sa Mall! Bibilhan pa natin ng gamit ang mga bata!" tawag sa kanya ni Tana na siyang nagpabalik sa kanya sa realidad.

"Huh? Ay! Oo nga pala! Teka, hintayin niyo lang muna kami." sabi niya at agad na hinila patakbo ang anak na pinakamalapit sa kanya. Which is si Zeus. Pagdating niya sa Van na gamit nila kasama sina Tana at Hell, humihingal naman na sumunod ang dalawa niyang anak na babae.

Peace Ville SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon