Destined

32 5 1
                                    


Rainius Cortez POV

"Dada! Play! Play! Play! " excited na sabi ng bunso kong anak na si Ellie.

"Dada! Punta po tayong playground!! " sambit naman ng pangalawa kong si  Jerry.

"Dada? Pleath?? Play! Play! Play! " sabi ulit ni Ellie at hinila na ako papuntang playground. She may be 2 years old but she has a strong grip and strength.

"By? Alis muna kami ha? Punta daw ng playground ang mga bata." sabi ko sa asawa kong nakatutok na naman sa laptop niya dahil sa trabaho.

"Huh? Ahh.. Oo! Sige, ingat kayo ha? Enjoy kayo dun! I love You!" sabi niya at ngumiti ng malapad. I just waved at hinayaan na lang si Ellie na hilain ako papuntang park.

"Dada! Ba't niyo ako iniwan?" sigaw naman ni Jiro na tumakbo pasunod sa amin pero nakasimangot. Kuhang kuha talaga ang ugali ng nanay niya eh.

"Eyy! Sige na! Wag ka na magalit. Makipaglaro ka na lang dun." sabi ko, pagdating na pagdating namin sa playground. Nasa gitna naman yun ng subdivision at nasa tapat ng bahay namin.

"Hmmp! Iniwan niyo pa rin ako dada! " sabi ni Jiro at tinalikuran ako. Aba! Talo pa ang nakababatang kapatid na babae sa kaartehan minsan eh!

"Jiro? Inakala kasi namin na ayaw mo. Tsaka, nagmamadali si Ellie, hindi na kita natawag. " paliwanag ko, hindi ko na namalayan na hinihila pa rin ako ni Ellie.

I crouched down sa harap ng baby princess ko.

"Princess? Play with Andrea and Andrew over there okay? Kakausapin ko lang tong kuya mo! " sabi ko kay Ellie at pinapunta ko na siya, pinasunod ko na rin si Jerry sa kanya.

"Jiro? Hindi ka dapat nagagalit na iniiwan ka. Dapat matuto kang tanggapin na lang yun. Hindi ka naman namin naiwan ng walang dahilan diba? Malay mo, may mas maganda pang maidudulot yung pag-iwan namin sayo. Diba? Matututo kang maging independent. Elementary ka na hindi ba?" malumanay na sabi ko kay Jiro. Tinitigan naman ako ng anak ko ng may paghanga.

"Dada? Iniwan ka ni mama noon diba? " pagtatanong niya. Ngumiti naman ako sa anak ko.Alalang alala ko pa yung araw na yun. Yung araw na inakala kong gumuho na talaga ang mundo ko ng lubusan.

******flashback******

"Teka lang naman Courtney! Bakit? May nagawa ba ako? " desperado kong tanong kay Courney. Binigyan niya ako ng matalim na tingin.

"Hindi mo ba talaga naiintindihan Rain? Wala na tayo! Wala ng tayo dahil hindi ko alam kung may mangyayari ba if ever. Kasi, Rain naman. Ayoko ng LDR. Wala ka namang nagawa pero ayoko lang talaga ng LDR kay please? Bitawan mo na ako. Let me go. " sabi niya. Tinitigan ko lang siya. She sighed.

"Rainius? Look!  Just let me go for now. Alam mo naman na sa malayong lugar yung college ko hindi ba? Iligan City Rainius! Sa tingin mo ba kakayanin ko ang LDR? " sambit niya na may halong inis.

Peace Ville SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon