REALITY

28 4 0
                                    

SATANA's POV

Pagdating namin sa labas ng Emergency room, nandoon lang sina Viniel nakaupo habang si Snow at Fuyumi ay hindi mapakali. Yung mga anak naman ni Viniel, ang lalim ata ng mga iniisip, nakayakap pa nga sina Dae at Sam kay Viniel eh.

"SAM!" tawag ni Bridgette at tinakbo ang natitirang distansya papunta kay Sam sabay yakap sa kanya. Sumunod na lang din kami ng mga anak kong lalaki.

"Tana." Sabi lang ni Viniel at ngumiti ng mapait.

"Hindi pa ba lumalabas?" pagtatanong ko. Tumango naman siya.

"Ba't nga pala nandito mga anak mo? Akala ko ihahatid mo muna sila?" pagtatanong niya. I gave a smile.

"Nag-aalala sila kina Sam kaya ayan, isinama ko na lang. Nagpumilit eh." Sabi ko na lang. Tumango lang siya at bigla na lang bumalik sa malalim na iniisip niya.

Umupo na lang din ako sa upuan habang si Ice at Axel, kasalukuyang kinakausap sina Daniel at Jastine kahit na parang walang kibo lang ang dalawa.

How the hell did it come to this? But first off, dapat wag ako masyadong mag-aalala, this is Winter we are talking about, she's strong enough. And also,baka magalit pa yun sa akin if nagpa stress ako dahil lang sa pag-aalala sa kanya.Haist! Kailangan ko talaga ng tulong ni Emerald in the next few days. Speaking of, may nakalimutan akong itanong.

"Nga pala Viniel? Nasabihan mo na ba sina Ate Summer? Sina Hell? Everyone?" I asked him, he snapped out of his trance and looked at me, confused.

" Sa tingin ko Tita Tana, si Ate Nam na daw yung gagawa. Pero knowing her, she'd probably exempt Tita Autumn,Summer and Spring." Sabi naman ni Fuyumi. I nodded, Viniel nodded.

"Should I tell them?"pagtatanong ko. Viniel just nodded.

"Tita Tana? Pwede po ba after na po?The people we don't need right now is them." Sabi naman ni Snow. I raised my right brow.

"Why? They're the sisters? " nagtatakang tanong ko.

" Its about the issue actually. Nam would arrive soon with the woman and they can't really be in one room with Tita Spring and Tita Summer. Its hard to explain." Sabi na lang ni Snow at lumapit kay Fuyumi na may kausap sa Phone.

"Pero paano kung magalit sila?" pagtatanong ko kay Viniel.

"Hindi ko alam. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay ang makitang gising at malusog si Yeobo." Sabi niya lang. I wanted to cry there and then. Pero hindi pwede dahil baka mabahala yung mga bata.

"Don't worry! She's gonna be pouting and being your baby sooner than later. Malakas asawa mo, nu ka ba!" sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya ng malamya.

"Hindi na lang daw po pala. Sa Sunday na lang daw po muna kakausapin yung babae." sabi ni Snow at tumango na lang kami.

"Cupcake?" napalingon ako at nakita ko ang unggoy kong asawa na pawis at alam mong tinakbo ata ang parking lot papunta dito.

" Bakit?" tanong ko. Agad niya ako hinawakan sa balikat at chi neck kung okay lang ba ako. Napangiti na lang ako sa ginawa niya.

"Okay lang ako. Ano ka ba naman. Pati na rin yung mga bata. Si Winter lang talaga critical for now."sabi ko sa kanya. He sighed in relief.

"Bro, magiging okay din ang lahat." Sabi niya naman kay Viniel and gave him a reassuring pat in the shoulders. Tumango lang naman si Viniel habang nakatitig kay Sam na nakikipag-usap,or trying to, kay Bridgette.

Peace Ville SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon