Gray's POV
Nakatitig ako ng maigi sa aking asawa na ilang metro lang ang layo mula sa akin. Nakatingin siya sa kanyang bestfriend na nakikipagtalo kay Seph. Ang ganda talaga ng asawa ko! Kahit boyish pa siya, ang ganda ganda talaga niya.
Tila nag slow motion naman nung napatingin siya sa akin. She flipped her hair slowly at dahan-dahan na lumapit sa akin.
"Huy! Nakanganga ka dyan! Isarado mo nga yang bibig mo. Baka mapasukan ng langaw. Maawa ka naman sana sa langaw. "sabi niya.
Kahit kailan, napaka maalalahanin talaga nitong asawa ko.
"Thank you, bebe girl."sambit ko na nakatitig pa rin sa kanya.
"Anong thank you? Kunan mo'ko ng maiinom at nauuhaw ako."sabi niya. Ang sweet nya talaga.
Kaya pumunta na ako sa table at kinuha sya ng maiinom. Nang papalapit ako sa kanya, pinagmasdan ko ang dress na suot niya. Kulay light green ito. Plain pero bagay na bagay sa katawan niya. Yun nga lang. Nakaflats lang sya. Pero ayos lang yan, at least napasuot ko sya ng dress. Naalala ko tuloy kung gaano sya kadaling pasuotin ng dress.
**Flashback**
Nagulat ako nang pagpasok ko sa kwarto eh nadatnan ko ang asawa kong nakaskinny jeans lang at naka T-shirt.
"Oh? Bebe girl? Ba't nakaganyan ka lang? Di ka pa ba magbibihis, ngayon na ang party kila Viniel."sabi ko sa kanya.
"Eto na isusuot ko."plain niyang sabi.
Napanganga ako sa sinabi niya. Seryoso ba sya? Yan lang isusuot niya? Oo nga at maganda na sya kahit ano pa ang suotin niya pero kailangan pa rin niyang mag dress kasi yun dapat ang isusuot.
"Ha? Pero nakadress ang lahat ng babae dun."sabi ko.
Tumayo naman siya at sinamaan ako ng tingin. "Oh tapos? Ano naman ngayon kung nakadress sila?Paki ko ba!"
"Bebe girl naman... Sge na. Andon sina Sir Ed."sabi ko.
Bigla namang natigil sya at tumakbo. Pagbalik nya ay dala na niya ang dalawang dress.
"Anong mas bagay sa akin? Etong sky blue o light green? "
**End of flashback**
Kitams? Pag ako talaga nangumbinsi agad syang papayag. Mahal na mahal talaga kasi ako nyan.
"Ano ba napakabakla mo naman kung maglakad. Andyan na sila Sir Ed."sabi niya at tumakbo papuntang harapan.
Sinundan ko naman agad ang asawa kong maganda.
Narinig kong papasok na daw ng gate ng subdivision sina Sir Ed kaya dumiritso na kami sa labas ng bahay ng mga Landeric para hintayin sila.
"Ilang buwan na rin simula nung nakasama natin sina Sir Francisco ah! " sabi ni Onyx. Tumango lang ako. Hinanap pa ng mga mata ko si Pinky.
BINABASA MO ANG
Peace Ville Subdivision
HumorWelcome to Peace Ville Subdivision. I hope you can get out with a sane mind. **************************** Humor and Random. You might also see some Actions! But You might also see some serious situations. A collaboration between Natty_Inoue17 An...