TSUNDERE EFFECT

28 5 0
                                    


Hellaisha's PoV

Itinapon muna ni Winter yung nabasag na plato. Akala talaga namin kung ano na eh. Iyan tuloy, naputol yung lambingan namin ni Flynt.

"Joseff! " cold na pagtawag ni Shannah kay Joseff. Hala! Anyare sa mukha ni Shannah? Parang nagseselos ata eh? Dahil ba agad na dumating si Joseff para kay Winter kanina?

"Bakit Shan? " dali-daling lapit ni Joseff na nakabusangot na asawa.

"Ikuha mo nga ako ng punch! " utos ni Shannah na agad namang sinunod ni Joseff. Pagkatapos niyang makuha ang punch ay literal niyang kinaladkad si Joseff papuntang sala.

"Nagseselos ang gaga! " natatawang sabi ni Satana. Natawa na rin ako sa sinabi niya.
"Sinabi mo pa! May pagka tsundere din kasi iyang si Shannah eh! Nagseselos na nga, nagdedeny pa minsan. " sabi ni Angela.

"Nagseselos lang naman iyan kay Winter eh. Wala pa ngang ginagawa si Winter, pinagseselosan na niya. " natatawang sabi ng magaling kong asawa.

"Aba syempre!" sambit ko naman. Sa may kusina lababo naman nakita ko ang mag-asawang Landeric na nag-uusap at parang nag check pa rin siya kung may sugat ba ang asawa niyang pinakamamahal.

"Baby tara? Balik na tayo sa couch! " seductive na sabi ni Flynt. Agad ko naman siyang hinila papunta sa couch.

Nakaupo kaming dalawa habang naka half hug siya sa akin. At sa pwesto namin, nakikita namin ang mag-asawang Ferrer na tila nagbabangayan. Nakakatawa talagang tignan ang dalawang ito, yung height difference ba naman eh. Si Joseff  yung pinakamatangkad habang si Shannah naman yung pinakapandak.

"Naalala mo noon? Madalas nating ipag partner iyang dalawang iyan? Naaalala ko pa yung naiinis na mukha ni Shannah noon. Hahaha! Memories.. " sabi ko naman and snuggled closer to my husband.

******FlashBack******

"Bwiset lang Joseff! Kita mong may ginagawa yung  tao eh! Ano ba kasi kailangan mo!?"inis na tanong ni Shannah kay Joseff na ngayon ay nakatayo lang sa harap niya.

"Shan, manghihiram sana... " malumanay na pagsisimula ni Joseff.

"I am fucking working Joseff kaya madaliin mo iyang sinasabi mo. Bwiset toh! " inis na sabi ni Shannah.

"Pahiram ng ballpen? Meron ka ba? " pagtatanong ni Joseff na ngayon ay kumakamot na sa ulo at pansin mo na namumula na yung tenga sa hiya.

"Wala akong ballpen Joseff!  At anong meron ako? Katatapos ko lang hoy! Bwiset kang lalaki ka! Next month pa ako dadatnan! Tangina Mo! " galit na sabi ni Shannah.  Mas nahiya pa ata si Joseff eh.

"Ate Shannah naman! Meron ka daw bang ballpen hindi meron ka ngayon. " agad na sabat ni Winter. Napailing na lang ako dahil biglang nag-asim ang mukha ni Shannah.

"I don't fuckin' care! " galit na sabi ni Shannah at bumalik na sa ginagawa niya.

"Language Shannah! Babae ka! " umiiling na sabi ni Ace. Umiling na lang rin si Winter at lumapit kay Joseff na may malaking ngiti.

"Kuya oh! May extra ballpen ako! " sabi ni Winter at ibinigay na ang kanyang cute na ballpen. May korean na nakalagay as design.

"Salamat Winwin! " sabi ni Joseff at bumalik na sa upuan niya na nasa may harapan ng upuan ni Shannah.

At bigla nalang sinipa ni Shannah ang upuan ni Joseff at nagsimula na naman siyang magalit kay Joseff kahit wala pa itong ginagawa.

"Uy! Ano iyan? LQ? " natatawang tanong ni Orpheus.

Peace Ville SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon