Nag drop lang muna si Hell sa kanila para sa mga pinamili niya at magpapahatid na lang kay Flynt sa bahay. Inihahanda ko muna yung kitchen dahil magbe bake kami ng cupcakes ngayon.
Kanina pa ako pabalik balik sa labas at sa loob ng bahay dahil kinukuha ko pa yung mga kailangan ko galing sa van. Tinutulungan naman ako ni Cupcake sa mga ginagawa ko. Habang pabalik balik, bigla na lang may nag door bell. Pagbukas ko, nakita ko si Hell kasama si Flynt.
"uy! Nandiyan ba si Ace? May aasikasuhin pa kami ngayon para bukas." sabi naman ni Flynt.
"Ahh ganon ba? Pasok na muna kayo. Nag-oorganize lang ako ng gamit para sa gagamitin natin. Dun muna kayo sa sala ha?" sabi ko naman at ini lead sila sa living room ng bahay.
"Maiwan ko na muna kayo." sabi ko at pumunta na muna sa kwarto para magbihis.
"Ba't parang ang sikip na ng damit na to? Hindi naman siguro ako tumaba hindi ba?" pagtatanong ko na lang sa sarili ko habang tinititigan ang sarili sa salamin. Masikip talaga eh! That was until I realized something.
"Edi wow! Tanga nga talaga. Baliktad nga pala at hindi ko pa tinanggal ang pakakatali ng ribbon. haist! Tanga!" sabi ko na lang sa sarili.
Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong bumaba. Papunta na sana ako sa kusina. Napadaan na lang ako sa may sala kung saan nagiging intimate na naman ang mag-asawang Esteban.
"Oh my Gosh! Not in my house!" sigaw ko at tumakbo na papunta sa kitchen habang nakatakip ng mukha.
"Its not like hindi kayo naging ganito ng asawa mo Tana!" Natatawang sabi ni Flynt.
"Shut up!" sabi ko na lang habang naka glare sa direksyon nila.
" Hindi ba?" narinig kong tanong galing sa likod ko. Kaya napalingon na lang ako sa likod. Nakangiti ng nakakaloko ang asawa ko.
"Isa ka pa eh! May gagawin daw kayo hindi ba? Oh! Alis na kayo! At baka matrauma na ako sa sala." sabi ko pa sa kanya. Ngumiti lang siya.
"Totoo naman kasi yung sinabi ni pareng Flynt eh! Wag mo ng ipagkaila." sabi niya at tumawa pa, namula tuloy ako. Piningot ko na lang siya at hinila papuntang sala.
" Oh! Nandito na naman si Hell, pwede mo ng iwan yung trabaho sa kusina at ng makauwi kayo ng maaga before 6:30 pm." sabi ko na lang sa kanya.
"Oo na! Sus! Nahiya ka pa cupcake! Yakapin mo na ako ng makaalis na ako." sabi niya pa. Niyakap ko naman siya at piningot ulit.
"oh ngayon, alis na! Ng makapagsimula na kami." sabi ko na lang. Nagflying kiss pa ang unggoy bago tuluyan ng umalis.
BINABASA MO ANG
Peace Ville Subdivision
HumorWelcome to Peace Ville Subdivision. I hope you can get out with a sane mind. **************************** Humor and Random. You might also see some Actions! But You might also see some serious situations. A collaboration between Natty_Inoue17 An...