LEAVING?

15 3 0
                                    


Angela's PoV

I've been working hard the past few weeks kasi may vacation kami ng one week.

And now, I'm preparing things na dadalhin namin bukas pag-alis namin. Nasa kwarto ako ngayon at nag-eempaki. Kaunting gamit lang, 5 araw lang naman kami doon.

"Alam mo ba na magwa-one year leave si Hell sa companya nila kasi magpapakalayo-layo siya? " balita sa akin ni Satana na kasama ko nga pala sa kwarto.

"I know. Pero she deserves a rest naman talaga eh. After what she went through. " sabi ko naman sa kanya.

"As a matter of fact, we all do. Beatriz even left last Monday right? With her kids? She said vacation. Heck! She even invited Seph. " sabi ko pa na hindi makapaniwala. I mean, hello? They were the neighboring enemies for such a long time.

"They were about the worst enemies here in the subdivision. " sabi naman ni Satana. I just smirked.

" They were Frenemies. " sabi ko pa. Natawa naman siya.

"Seph took a vacation afterwards right? With Orpheus? And their kids? "Pagtatanong ni Satana sa akin. I nodded. Hindi pa nga sila nakakabalik eh.

"Ma! Alin yung mas maganda? "Pagtatanong ni Sarah habang nagpakita ng dalawang damit.

"Kung alin ang gusto mo diyan! Maganda naman pareho eh! " sabi ko na lang. Umuo lang naman siya at pumasok na sa kwarto niya. I sighed.

"Ikaw ba? Wala kang plano mag bakasyon? "Pagtatanong ko kay Tana. Tumawa lang naman siya.

"I'm on leave sa trabaho. Early because hindi ako pwedeng maexpose sa chemicals remember? Baby on board dito oh! " sabi niya at napatango na lang ako. I forgot na buntis nga pala tong gaga.

"So, parang nag vacation ka na rin? " pagtatanong ko sa kanya. Tumango lang naman siya at tumihaya sa kama namin.

"Huy! Ano ba naman Tana! " suway ko sa kanya. Natawa lang naman siya sa akin.

"Don't be such a grumpy pants Gela! Minsan lang ako ganito. "Natatawang sabi niya. Nag roll eyes na naman ako. Inarrange ko na lang yung mga gamit na gagamitin namin.

"Hey! Gela? Pag ba umalis kami dito sa Peace Ville okay lang sa'yo? " pagtatanong na naman ni Satana. Ewan ko ba sa babaeng to.

"Okay lang naman. Babalik naman kayo diba? Wala namang problema dun eh! " sagot ko na lang. I mean, hindi naman talaga obligasyon na dito magstay kaming lahat palagi sa peace ville eh.

"Sure.. Like aalis for a little vacation. " sabi niya na lang. I sighed.

"Okay nga lang hindi ba? It's not like, magve-vacation daw pero babalik after 10 years. Aba! Iba na 'yan! " sabi ko naman. She chuckled. I raised two shirts.

Peace Ville SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon