Moody Love

47 4 2
                                    

Satana's POV

Its 6:00 in the morning and I am wide awake. Actually, kaninang 5:30 pa. I was still preparing breakfast when my husband came down still with his messy bed head. Ang cute!!

"Good morning cupcake! " sabi niya. Minsan talaga ang sweet ng lalaking to.

"Good morning!! " bati ko rin sa kanya at binigyan siya ng cup of coffee.

"Mommy! Daddy! Good Morning! " bati sa amin ng bunso naming si Bridgette. Na ngayon ay nakasuklay na ang buhok at bihis na bihis na ng kanyang pambahay kahit 6:00 pa lang ng umaga.

"Asan na mga kuya mo? " pagtatanong ko sa kanya habang binibigyan siya ng inihanda kong milk.

"Hindi pa po sila gising. Gisingin ko po ba?" excited na tanong niya. I just nodded.

"Careful not to anger them though!" pahabol ko naman. Aba, sweet naman minsan yung dalawa ko pang anak na lalaki pero pag susumpungin ng pagkamoody, aba hoy! Talo pa yung tatay nila.

Naalala ko tuloy yung duality ni Ace nung High School pa kami at yung talent niya. Kaya palagi nalang kaming aso't pusa ng classroom sa kakaaway eh.

****flashback****

"Tulungan mo naman akong makapasok sa Group Chat na iyan Tana. Ano ba yung kailangan kong gawin? " pagtatanong ni Hell. Well, gusto niya kasing makasali sa GC ng Hell University as RP eh.

"Magbasa ka ulit ng Hell University para mas malaki yung possibility na makakapasok ka. " sabi ko sa kanya. Tumango naman siya.

"Alam mo ba na may nagmessage diyan kay Tana kanina? At kinilig ang gaga. " sambat naman ni Angela.

Hay! Naalala ko na naman tuloy yung chat namin kanina! Kinikilig na naman ako.

"Ang sweet kasi eh! Kinilig ako. Good morning daw sa magandang si ako! " sabi ko habang may malawak na ngiti. Mahina lang boses ko kasi, maraming eavesdropper sa paligid especially si..

"Nag good morning lang sayo kinilig ka na? Ano pa kaya kung ako na ka-chat mo? " sambat ni Ace. Kita mo na? Talent niya iyan eh! Ang makinig sa usapan ng may usapan.

"Aba aba! Hoy Unggoy! Asa ka naman! Tsaka, ganda talaga ng talent mo eh noh? Ang makinig sa usapan ng may usapan. " sabi ko sa kanya. Nag smirk lang ang unggoy! Na leche na! Baka mahulog ako ng wala sa oras, kahit hulog na hulog na ako.

"Aba syempre naman eh! May tenga ako, natural lang na makinig ako. " sagot niya sa akin. Aba! Akala mo kung sinong gwapo! Well, gwapo naman siya eh.

"Tsaka, maka unggoy ka naman diyan. Sa gwapo kong ito? Unggoy ang tawag mo? Aba, marami pa nga mas maganda sa'yo pero tinawag ba kitang unggoy? " sabi niya na mukhang naiinis na ewan. Napanganga ako. Seryoso siya?

Peace Ville SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon