Violently Sweet

13 4 0
                                    

Gab's P.O.V

Nagising ako sa ingay ng basong nabasag. Naramdaman ko ang sakit ng ulo ko habang inaalala ang nangyari kagabi. Pero tila mas sumasakit lang ang ulo ko kaya minulat ko na ang mga mata ko at tiningnan ang paligid.

"Hindi ko bahay to ah." Nasabi ko na lang matapos kong makita ang di pamilyar na mga furniture. San ba ako?

"Gab? Are you awake?" Narinig ko mula sa labas ng kwarto. Di naman boses ni Angela yun ah.

Nakita kong may bumukas ng pinto mula sa labas at isang nakangising babae ang iniluwa ng pintuan. Di ako makapaniwala. Di ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Gising ka na pala. Coffee?"

"Suzy?"

Angela's POV

"6:40 na ah. Wala bang magbabatuhan sa pamamahay nato?" Narinig kong bulong ni Ezekiel sa mga kapatid niya.

Napatingin na rin ako sa wall clock. Tama si Ezekiel, 6:40 na nga. Pero hindi pa rin umuuwi hanggang ngayon si Gabriel. Hindi naman sa namimiss ko ang walangyang yun. Pero naninibago lang ako.

"San na ba kasi si papa? Di kaya lumayas na?" Sabi pa ni Sarah.

Hindi. Hindi lalayas ang demonyong yun. Nasisigurado ko, kasi alam kong kahit anong away ko sa kanya, mahal niya pa rin ako. Ganun din naman ako sa kanya eh.

*flashback*

"DEMONYO KA TALAGA EH! IBALIK MO NGA YAN DITO ANG PAPEL KO!" Sigaw ko sa Judas kong kaklase na si Gab.

"Saglit lang naman babe. Kung makademonyo ka dyan eh." Sabi niya pa. Biglang nag-init ang pisngi ko. Di dahil sa kilig ah. Naiinis na talaga ako sa lalaking ito eh.

"Wag mo nga akong matawag tawag na babe kung ayaw mong mapilay ah!!" Sigaw ko ulit. "Di pa nga kasi ako tapos mag solve. Ibalik mo yan dito!!"

Pero sa halip na ibalik niya ito sa akin ay itinakbo niya pa ito sa labas kaya tumakbo rin ako kasunod niya. Tumatawa pa nga yung demonyo.

"ANO BA GABRIEL!" Sabi ko tapos tumigil din siya kaya lang itinaas niya yun. And well, d-di ko m-maabot.

"Sabihin mo muna 'Akin na yan babe' tas ibibigay ko to sayo." Nakangising sabi ng walangyang to.

"At bat naman kita susundin kung pwede ko namang gawin to.." Sabi ko atsaka kiniliti siya sa gilid kaya para siyang uod. Ang lakas ng tawa niya at tumingin sa mata ko.

My weak side, shit.

"Alam mo Angela, kahit isa kang Amazona, gusto pa rin kita." Sabi niya. Walangya! Demonyo! Hayop!

Lumayo ako ng kaunti sa kanya sabay hugot sa papel ko. "EWAN KO SAYO! DEMONYO KA TALAGA!" Sabi ko pa bago tumakbo palayo sa kanya. WALANGHIYA TALAGA YANG GABRIEL NA YAN.

Peace Ville SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon