Ex's and Why's 1

40 6 0
                                    

Orpheus PoV

Naghihintay ako sa labas ng kwarto namin ni Seph. Kanina pa siya sa loob at naghahanda para sa party. Ayaw naman niya akong papasukin dahil baka mamanyakin ko lang daw siya. Sus! Hindi pa nasanay ang maganda kong asawa. Nakabuo nga kami ng tatlong naggagandahang bunga. Na manang-mana talaga sa kanilang gwapong ama.

"Darling? " Malambing kong sabi.

Wala akong narinig na sagot mula sa loob. Tsk! Ayaw talaga paistorbo ng isang yun.

Nakita ko namang lumapit ang mga naggagandahan naming mga bunga.

Ang kambal na sina Zeus at Athena ay pormal sa kanilang mga suot. Si Zeus na pormal na pormal sa kanyang gray na tuxedo ,may pahawak-hawak pa siya sa necktie niya na parang binata. Saan pa nga ba magmamana?  *macho pose* Si Athena naman ay kasalukuyang nagsusuklay sa mahaba niyang maitim na buhok na may pagka-alon. Suot niya ang casual dress na kulay navy blue na binili nilang mag-ina kahapon. Kuha niya talaga ang mga mata ni Seph.

Sa isang sulok naman, nandudoon ang pinakapaborito kong anak. Nakabusangot nanaman ito at aakalain mong pasan ang buong mundo. Hula kong ayaw nanaman niya sa pinasuot ni Seph sa kanya. Suot niya ang black tube na may laces sa laylayan nito. Mas lalong lumitaw ang maputi nitong balat—na syempre kuha sa akin. Kahit kailan talaga ay salungat siya sa mga gusto ng kanyang ina sa kanya. Hard-headed but sweet.

"Taytay, hindi pa po ba tapos si Naynay? " magalang na tanong ni Athena.

"Hindi pa anak. Konting hintay nalang. " Sagot ko at ngumisi.

Napapoker face nalang si Zeus.

They're bored. Ang tagal naman kaseng lumabas ng maganda kong asawa. Nilalamok na ako dito sa labas ng pinto.

Ilang minuto pa ang lumipas nang sa wakas  ay bumukas na ang pinto.

Napatayo ako't napanganga sa isang dyosang nahulog mula sa kalangitan—este lumabas mula sa loob.

Sobrang ganda niya.

She's wearing a black&white polka dot backless gown. And a very light make-up that makes her more damn attractive.

Literal na nakakalaglag panga ang presensiya niya ngayon.

Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin. Ngumisi ito ng palihim at saka may ibinulong, "Anong tingin naman yan, Mr. Smiley? " Is she seducing me?

Oh shit! Makapagpigil pa sana ako sayo Seph. Baka hindi nalang kita papalabasin ng bahay at ikukulong kita sa kwarto buong magdamag.

"You look gorgeous, Mrs. Vantress. " Bulong ko din. Umirap lang ito sa isinagot ko. Mali ba ang sinabi ko?

"Tigil-tigilan mo ako Orpheus ha! Alam ko na yang iniisip mo! " heto nanaman tayo sa pagiging loudspeaker ng maganda kong asawa.

Kanina lang ay may pabulong bulong lang siyang nalalaman, tapos isang ihip lang ng hangin ay balik nanaman sa dati.

"Naynay, aren't you done? " May halong inis na sabi ni Zeus.

Kunot noong binalingan ni Seph si Zeus. Kita mo 'to, pati anak namin sinusungitan. Haays!

"Ah. Mga anak mauna na kayo sa sasakyan " nakangiti kong sabi sa aking mga anak na siyang sinunod naman nila.

Peace Ville SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon