Be the One

22 4 0
                                    


Georgina Pascua POV

"Yes! Talaga naman kasi Seren eh! Yeah! I'll be there soon. Papakainin ko muna pamilya ko. At tatapusin to." sabi ko sa telepono.

Kailangan daw ako ni Seren sa bahay nila eh. Seems odd. Normally kasi, it's the other way around. I mean aside sa Huxley, ang Yagami ang family na tahimik lang din.

'Bilisan mo ha? I need your help with this. ' Sabi niya, yung boses niya ay halos mapuno ng pagmamakaawa.

"Don't worry. Pupunta ako agad diyan. Tatapusin ko lang muna tong pag fafinalize ng paper for catering. " sabi ko at in-end na ang call.

Agad ko namang tinapos muna yung mga ginagawa ko. Hindi ko pwedeng iwan na pang to ng ganito, lalo na't malapit na yung event na ike cater namin.

"Rex? Aalis muna ako ha? "tawag ko sa asawa kong kababalik lang galing sa park kasama ang mga anak namin.

"Huh? Ahh.. Oo sige! Saan ba punta mo? " pagtatanong niya habang karga karga si Andrea.

"Kailangan daw ni Seren ng tulong. Pupunta muna ako sa kanila. " sabi ko at kinuha na yung payong para makaalis na.

"Sige! Ingat ka ha? Uwi ka ng maaga at baka mamiss kita ng sobra! Love You mahal ko. " sabi niya sabay halik sa pisngi ko. Napangiti naman ako.

"I love you din Mahal ko. Pakainin mo na lang yung mga bata okay?" sabi ko at tuluyan ng umalis. Habang naglalakad ako patungo sa bahay ng mga Yagami ay napansin ko na tahimik ata ang bahay ng mga Roberts. Walang mga batang tumatakbo palabas at mga gamit sa bahay na lumilipad palabas.

Tahimik ata sila ngayon. Nakakapanibago.

Pagdaan na pagdaan ko sa bahay nila, sobrang tahimik talaga eh. Gusto ko tuloy kumatok para tingnan kung may tao pero kailangan pa ako ni Seren so, dumiretso na lang ako. Magkatabi yung bahay ng Roberts at Yagami kasi.

Pagdating na pagdating ko doon ay agad na akong nag doorbell. At agad namang binuksan ni Seren yung gate.

"Ynna! Thank goodness at dumating ka na! " sabi niya, looking relieved at niyakap niya ako agad.

"Ba't ang tahimik ata ngayon ng kapitbahay mo? " pagtatanong ko habang papasok na kami sa bahay nila.

"3 days na atang hindi umuuwi si pareng Gab.Tapos si Angela naman, isinama ata ang mga anak sa pamamasyal, si Nice lang ata ang nasa bahay nila eh. " sagot pa ni Seren. Ibang klaseng kasambahay din yung si Nice eh. Siya pa ata nakakatagal sa mga Roberts.

"Ahh okay! "Sabi ko na lang. Nung umabot na kami sa mismong workplace ni Seren tsaka ko lang naitanong.

"Ano nga pala yung mga bagay na kailangan mo ng tulong ko? "

Peace Ville SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon