Serendipity Yagami's POV
*****************************
"Uy Seren! Gimmick daw mamaya! Sama ka? " tanong nung kaklase ko."Sorry guys! Hindi pwede eh! " sagot ko naman at nag proceed ng lumabas ng classroom.
"Seeerrrreeeeennn!!! " rinig kong sigaw ng isang tinig. Alam ko na toh. At tama nga ako nung bigla niya akong niyakap pagdating niya sa harap ko.
"No Ara! Hindi ako pwede. " sabi ko nung magsasalita na sana siya. Nag pout naman siya agad.
"Naman oh! Grabe ka naman! Wala naman Daddy mo dito ah? Wala din Kuya mo! College ka na rin Seren. Manonood lang naman tayo ng Sine eh! " pagpupumilit ni Ara. Napa roll eyes tuloy ako.
"No! Tsaka, kailangan ko pang tapusin yung assignment sa IT subject namin. Sorry! " sabi ko at aalis na sana pero pinigilan niya ako.
"Ang KJ mo talaga! Ihh! Bestfriend speaking toh oh! Diba next week mo pa naman iyan ipapasa? Friday ngayon. Cut some slack. " sabi niya ulit habang niyuyogyog ako.
"Ara no! KJ na kung KJ. Pero ayaw ko talaga eh. Yes, wala si Daddy at Kuya dito pero ayaw ko pa rin silang suwayin. Kaya please, leave me alone for now? Please? " sabi ko at talagang naglakad na paalis. Pero kahit naglakad na ako at medyo malayo na ako eh narinig ko pa rin yung simabi niya sa kasama niya.
"Akala mo naman kung sinong manang. Di bagay sa kanya. Ang dami ng naging boyfriend niyan. May pa ganon-ganon pa siyang nalalaman. " sabi niya. Napatigil tuloy ako.
"Bestfriend pa tawag sayo! " sabi ko to no one in particular. Tsk... Ilan ba sa mga ex ko ang sinulot niya? Ha! Akala niya ata eh hindi ko alam.
Naglakad na ako pabalik sa shared boarding house namin nina Ynna. Si Ynna is someone na nakilala ko first semester ng freshman year ko dito sa university.
Pagdating ko doon eh nakadapa na siya sa kama at inaanalyze ata yung assignment niya.
"Oh? Nandyan ka na pala? Wala pa sina Winter, may ginagawa sa library. " sabi niya. Tumango lang naman ako. Sanay na ako na pag-uwi every friday eh wala si Winter at Spring dahil nasa library or gumagala.
"Anong gagawin mo ngayon? " pagtatanong niya. Umakto akong nag-iisip.
"Siguro gagawin yung assignment ko pero kailangan ko tulong ni Winter or ni Tana eh so, wala. " sabi ko na lang. Ngumiti naman siya.
"Kailangan ko tulong ni Spring dito sa assignment ko eh. So? " sabi niya at may mischievous glint yung mata niya.
"Gala tayo ganon? Uuwi ako bukas, baka makita ako ng so called bestfriend ko at isumbong ako kay Daddy. " sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya.
"Ako bahala kay Tito. Sus! Two years na tayong magkasama dito? May tiwala na yun sa akin. " sabi niya at inilahad ang kamay niya.
"Ano yan? " Pagtatanong ko. Nag roll eyes pa ang gaga.
"Cellphone mo! Akin na! Tawagan ko si Tito, ipagpapaalam kita. " sabi niya pa. Agad ko naman binigay ang phone ko.
Na dial na niya yung number ni Daddy at habang nag-uusap sila, napapakagat ako sa lower lip ko. Hindi ako papayagan ni Daddy.
"Sige na Tito! Kasama naman niya kami nina Spring eh! Please? " pamimilit ni Ynna. Haist.. Oo, kahit college na ako, amg dami ko pa ring restrictions. Sorry, strict si Daddy at Kuya eh.
"Uuwi po kami before nine..... Yes Tito!... Salamat po! " sabi niya at na-end na yung call. I stared at her wide eyed.
"Bihis na tayo? " sabi niya at dali daling pumunta sa banyo. Wengya! Mas may tiwala pa sila kina Ynna kesa kina Ara ah! Ha!
BINABASA MO ANG
Peace Ville Subdivision
HumorWelcome to Peace Ville Subdivision. I hope you can get out with a sane mind. **************************** Humor and Random. You might also see some Actions! But You might also see some serious situations. A collaboration between Natty_Inoue17 An...