Amending the wrong

14 2 0
                                    

VINIEL'S POV

Punong-puno ang bahay, aakalain mong may reunion na nagaganap.Nandito halos lahat na tao sa peaceville maliban sa mga bata na nasa park at sa bahay nina pareng Flynt. Binabantayan nina Momo at Achd.

"Emerald? Hindi pa ba tayo magsisimula? Naiinip na ako eh!" inis na sabi ni Bea. Tinitigan siya ni Emerald bago nagsalita.

" Wala pa sina Angela.Tas papunta pa lang sila dito." cold na sabi ni Emerald. Nakakatakot pala talaga siya pag seryosong seryoso na.

Magsasalita na sana si Pinky ng bigla na lang dumating sina Angela at Satana galing sa hospital.

"FINALLY! LETS START!" biglang sigla ni Emerald at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

Natahimik ang lahat, nakatitig lang sa kanya.Ano nga ba ang meron at pinatawag niya pa kami dito? Babantayan ko pa sana si Yeobo sa hospital eh.

"Anong sisimulan natin Eme?" nag-aalangan na tanong ni Karylle. Ngumiti lang naman si Emerald.

" Pag-uusapan natin 'yang mga problema niyo. Magkakaayos man kayo o hindi? Dapat ma clear niyo na problema niyo. Pinapalaki niyo lang kasi 'yan eh when you don't talk. Ano?" sagot ni Emerald. Tahimik ang paligid. Walang nagsalita. Walang may alam kong ano ang sasabihin.

"Bakit kailangan nandito ang lahat para jan?" inis na tanong ni Bea. Nagroll eyes naman si Eme.

" You've been involved, unintentionally." simpleng sagot ni Emerald. Napatingin na lang tuloy ako sa paligid. Wala talagang may balak magsalita eh.

" Pareng Rex. Simulan mo na lang kaya muna. Alam ko namang hindi ka pa nakakapagpaliwanag kay Ynna eh." simpleng pagbasag ko sa katahimikan.Napatingin tuloy si Rex at Ynna sa akin.

"Courtney? Ibigay mo na lang din yung side mo. Kaya niyo hindi naaayos tong gusot na to kasi, you refuse to say anything." sabi ni Emerald.

"Refuse? Refuse ba 'yong kahit anong effort mo sa magpaliwanag parang ayaw ka namang pakinggan? Refuse ba yon para sayo Eme? Well fuvk! Kung refuse yun, ano na lang yung mga pinaggagawa ng iba jan." inis na sabi ni Courtney.

"Ako na naman ba ang pinariringgan mo ha? Wow lang! " halos sigaw na ni Ynna.

"Walang magsisigawan sa harap ko. Mag-uusap tayo ng masinsinan.At walang makikialam kung hindi kayo kasali sa usapan. And I meant kayong dalawa Gray at Pinky. Isali na rin kita Beatriz! Carleigh at kayo rin mga Castillar." matalim na sabi ni Emerald. Parang na offend pa ata si Beatriz dahil namumula na siya pero nanatili lang na tahimik.
Bumalik na tahimik ang lahat.

Peace Ville SubdivisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon