Prologue

385 19 8
                                    

Prologue


-- December 23, 2017--

Baekhyun's POV





"Mic check. 1.. 2.. 3.. Hello! We are one! We are EXO!" sabay sabay naming pagsambit ng mga katagang halos anim na taon na naming sinasabi.




Mga salitang saksi sa paghihirap na dinanas namin.




I showed them an energetic smile kahit na sa likod nito, sobrang pagod at exhaustion.




"HELLO EXO-LS! HOW ARE YOU?!" nakakabinging pagsigaw ko na parang di ako naka mic. Gustong gusto ko ang mga ngiting nakikita ko sa kanila ngayon at ang kanilang sabay sabay na paghiyaw.




Pakiramdam ko, lahat ng pinaghirapan ko, namin, worth it tuwing nakikita ko sila. Ang saya sa feeling na isang idol lang ang makakaintindi.





"So to start, we'll sing our Promise. Our Promise for you guys," Suho. Ngumiti sya ng matamis. Promise? Promises are meant to be broken.




Mga ngiti sa labi naming hindi mo aakalaing sa mga mata namin nagrereflect ang tunay na sakit.




Nagsimula na ang tugtog.




Pero biglang natigil dahil sa pagcorrupt ng isang ilaw sa taas. Mismong nasa tapat ko. Anong ibig sabihin nito?




Tumingala ako para makita ang nangyayari. Kita ko ang unti unting pagkahulog ng ilaw. Parang tumigil ang oras dahil hindi ako makagalaw.




Is this my end?




"BAEKHYUN!"



--



Nagising ako. Pawis na pawis dahil sa panaginip na yun. "Oh Baek ayos ka lang? Kanina pa kita ginigising ayaw mo magising," Si Chanyeol. Nakatingin sya sakin na parang nawiwirduhan. Mas weird sya sakin. -,-



"Magbihis ka na. Magpapractice pa tayo ng Growl," sabi nya at tumayo. Growl? Special performance ba?



"Teka. Diba dapat Power o Ko Ko Bop pinapractice natin?" Kumunot ang noo nya. La?



"Anong Power at Ko Ko Bop? Wala tayong ganun, Baek. Nananaginip ka pa ba?"



Anong meron?



Pina prank nya ba ko?



---

Future Changer (EXO OT12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon