Special Chapter
Third Person's POV (present, April 2018)
Parang baliw na nakatulala si Suho sa kisame ng hospital room ni Sehun habang nakaupo sa sahig. Oo, hospital room ni Sehun.
Hindi na nya alam ang gagawin nya. Naging masama ba syang leader? Kaya ba nangyayari lahat ng to?
Patong patong na problema na ang kinahaharap nya. Hindi nya na alam kung pano pa uusad lalo na ngayong tatlo sa mga kapatid nya, nakaratay ngayon sa mga hospital beds.
Kahit kailan, hindi nya naimagine na mangyayari ito sa grupo nya, sa grupong iningatan nya.
April na. Magaanim na taon ba tayo na wala kayo?
Sa mga nakalipas na apat na buwan, pakiramdam nya ay parang nasa loob sya ng isang bote. Nakaka suffocate. Hindi sya makahinga.
"Hyung, kumain ka muna," alok sa kanya ni Kai na inilingan nya lang. Hindi nya kayang kumain ngayong nasa ganitong sitwayson yung mga kapatid nya.
Umupo si Kai sa tabi ni Suho. Hindi nya alam kung pano ikocomfort ang hyung nya dahil alam nya din na kahit sya, nasa pwesto rin nito ngayon.
"Kai," pagtawag ni Suho kay Kai. Halos mangilabot naman ang nakababata dahil sa lamig ng boses ni Suho.
"B-Bakit hyung?"
"Pakiulit naman yung sinabi nung doktor kanina. Tungkol sa kondisyon ni Baek," parang mas bumigat ang atmosphere sa loob ng kwarto ni Sehun.
"Ah.. U-unresponsive daw si Baekhyun hyung..,"
"Yung sunod?"
"B..Ba.. Baka hindi na s-sya..," hindi maituloy ni Kai yung mga sinasabi nya kasi kahit sya, hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari ngayon.
"Hindi ano, Jongin?"
"Baka h-hindi na sya... magising,"
Doon bumagsak ang mga luhang ilang buwan na nyang pinipigil. Doon natumba, nadapa ang pinaka matatag na leader sa kpop history.
Hindi na nya kaya. Hindi na nya kayang patuloy na magsuot ng maskara para ipakita na masaya sya kahit sobrang bigat na. Sobrang bigat na,. ng dinadala nya.
"Hyung..." tanging pagtawag na lang ang nagawa ni Kai.
Ipinatong ni Suho ang ulo nya sa dalawang tuhod nya bago nya yakapin ang mga binti nya. (gets nyo?)
Pakiramdam nya sobrang walang kwenta nyang leader. Pakiramdam nya, hindi naging sapat lahat ng ginawa nya.
Saan ba ko nagkulang?
Tatlo na ang nabawas sa kanila tapos may tatlo pang nakaratay at coma. Hindi na alam ni Suho kung saan pa huhugot ng lakas.
"H-Hyung," patuloy ang pagtawag ni Kai kay Suho pero parang wala itong ibang naririnig.
"Tama na... hyung," niyakap na ni Kai si Suho sumubsob sya sa balikat nito at doon umiyak. Hindi na din nya kasi mapigilan ang pag iyak. Lalo nat ang pinakahaligi at pundasyon ng EXO ay unti unti nang bumabagsak.
"S-Sabi nila walang i-iwanan..,"
"Suho hyung,"
"Kai, pano na? Ano to? Bakit tayo umabot sa ganito?" humikbing tanong ni Suho. Mga tanong na laging nasa utak nya. Pinipilit nyang subukang sagutin kaso wala. Walang sagot.
Bilang leader ng EXO, ramdam nya. Alam nya. Naririnig nya. Lahat ng hinaing ng mga miyembro nya. Lalo na ngayong nasa gitna ng isang crisis ang EXO.
"Hindi ko alam hyung..,"
Habang magkayakap sila, di nila nakita ang saglitang pag galaw ng daliri ni Sehun.
Rion's POV
Napabuntong hininga ako sa mga nakikita ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit umabot sa ganito yung plano kong ipakita kay baekhyun kung bakit siyam na lang silang nagpapatuloy.
Nadamay na pati sina Sehun.
Nandito ako ngayon sa hospital room ni Sehun. Pinagmamasdan ko si Kai saka Suho. Parang nadudurog yung puso ko sa nakikita ko.
Maling desisyon ba yung ginawa ko?
"Kai,. Wala akong kwentang lider," napakagat labi ako sa narinig ko. Gusto ko sana magpakita sa kanila tapos sabihin na kasalanan ko to.
Sobrang pahirap na sa grupong iniidolo ko lahat ng ginagawa ko.
Tahimik akong nagmamasid pa rin sa kanila. Parang ayoko na. Hindi ko na alam.
Napatunghay ako ng makita kong nagbukas ng konti yung pinto.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Chanyeol na nakadungaw sa may pinto.
A-anong ginagawa nya dito?! Diba nasa past sya?! Posible bang..
Tumingin ako sa pwesto ni Sehun. Di nga ko nagkamali. Nakaupo na si Sehun at nakatingin kina Suho at Kai.
"Hyung?" mahinang pagtawag ni Sehun kay Suho. Ano bang nangyayari?
Napatunghay si Suho at napatingin kay Sehun. Napakalas sya ng bigla sa yakap nila ni Kai. Kita ko ang saya sa mga mata nya.
"Sehun!" sigaw nya bago tumayo saka dinamba ng yakap si Sehun habang si Kai, ayun tulala.
"Hyung? Ayos ka lang? Bakit ako nandito?" niyakap pabalik ni Sehun si Suho habang tinatanong ito. Wala ba syang alam o umaacting lang sya?
Sinubukan kong basahin ang utak ni Sehun pero hindi ko kaya. Parang may malakas na barrier na kumokontra sa spells ko. Ano to?!
"K-Kasi isang buwan ka ng coma,"
"Ha? Bakit naman ako nacoma hyung? May malala ba kong sakit? Saka bakit kayo lang ni Kai yung nandito? Sina Luhan hyung nasaan? Sina Baekhyun hyung?" halos mapanganga ako sa nangyayari ngayon. May amnesia sya?
"Sehun, ano bang pinagsasasabi mo? Bakit mo hinahanap sina Luhan? Saka si Baek?" hiniwalay ni Suho si Sehun saka tinignan ito sa mata. Kitang kita mula sa pwesto ko yung pagluha ni Suho habang nakatingin kay Sehun.
"H-hyung.. Sorry. Pabigat ako sa inyo. Sorry hyung,"
"Ayos lang, basta wag ka na ulit mawawala,"
"P-Pero.. ang dami siguro nating nadelay na schedule dahil sakin.. yung exo showtime, hyung. Ano nang nangyari? Nag film ba kayo kahit wala ako?"
Nangunot ang noo ko. Gusto ko sanang isipin na nagka selective amnesia sya kaso antaas ng possibility.
Ang taas ng possibility na si Sehun to.. galing sa past.
---
BINABASA MO ANG
Future Changer (EXO OT12)
FanfictionWhat if Byun Baekhyun is given a chance to go back on the past and restore the OT12? --