Chapter 10
Third Person's POV
Parang may dumaang anghel dahil sa biglang pagtahimik ng kwarto. Isang kabadong Baekhyun, nag aalalang Chanyeol at mga gulat na mukha ang makikita.
For the first time sa paglalakbay ni Baekhyun sa nakaraan, ngayon lang sya nakaramdam ng ganitong klase ng takot, kaba, pagka dismaya, lungkot at iba pa.
Mixed emotions, ika nga.
“Baekhyun,” halos mangilabot si Baekhyun sa pagtawag ni Suho sa kanya. Pakiramdam nya, anytime ay pwede syang himatayin.
“Baekhyun, Chanyeol bakit di pa kayo natutulog? May sched tayo bukas. Gusto nyo bang makita kayo ng mga fans na may malalaking eyebags?” halos mapatalon sa tuwa si Baek ng marinig yun galing kay Suho. Phew, ligtas!
“Tutulog na din kasi kami. Saka bakit kasama mo yang dalawa?” sabi ni Chanyeol sabay turo sa dalawang kasama ni Suho.
“Bakit? Masama ba? May tinatago ba kayo samin kaya ayaw nyo na nandito kami? Ano. Sagot,” sunod sunod na tanong ni Chen at ginawa ni Baekhyun lahat para di mapairap.
“Wala. Kaya pwede na kayong umalis. Tutulog na kami,” iritadong saad ni Baek bago pinagtutulak sila isa isa paalis ng kwarto nila.
Pero salamat na din kasi dumating sila kundi baka kung ano pa masabi ko kay Chanyeol.
“Baek,” agad na napatingin si Baekhyun kay Chanyeol ng tawagin sya nito.
“Bakit?”
titig na titig si Baek kay Chanyeol habang may kinukuha ito sa bulsa nya.
Isang bracelet.
Lumapit si Chanyeol kay Baekhyun at dahan dahang sinuot sa kanang wrist nito ang silver bracelet na kahit kelan ay di pa nakita ni Baekhyun, ngayon lang.
“Para saan to?”
“Basta. Wag na wag mong huhubadin,”
–
Kinabukasan, nagising si Baekhyun sa sikat ng araw na tumatama sa mata nya. Sobrang sakit ng katawan nya at di nya alam kung bakit.
Unang napansin nya ay ang puting kisame at mga pader… kasunod ang patuloy na pag beep ng kung ano.
Isang machine na sa ospital lang nakikita.
A-Anong nangyayari? Diba natulog ako sa kwarto… sabi na. Panaginip lang lahat.
Napabuntong hininga si Baekhyun. Bakit nga ba sya naniwala sa ganung klase ng panaginip?
Isang katok ang nag echo sa kanyang hospital room. Awtomatikong napa sara ang mata ni Baekhyun at nagkunwaring tulog.
“Hyung, tulog pa rin sya. Ilang buwan na,” ramdam na ramdam ni Baekhyun ang lungkot sa boses ni Kai. Pero,.. ilang buwan na daw?
Umabot ng buwan syang tulog?
“Gigising din sya, Kai. Wag ka mawalan ng pag asa,” pag aassure ni Suho sa nakababata kahit miski sya ay nangangamba na rin.
At dahil sa mga nagaalalang boses ng mga kamiyembro niya, nakaisip si Baekhyun ng kapilyuhan.
Biglaan syang umupo ng tuwid at humarap sa kinapupwestuhan ng exo habang pikit pa rin. Lahat sila ay nanigas sa kani kanilang kinatatayuan. Para silang nakakita ng multo dahil sa biglaang pag bangon ng mahigit tatlong buwang tulog na si Baekhyun.
BINABASA MO ANG
Future Changer (EXO OT12)
FanfictionWhat if Byun Baekhyun is given a chance to go back on the past and restore the OT12? --