XIX

93 6 0
                                    

Chapter 19

Byun Baekhyun's POV

"Baekhyun,"

"Ay tang! Rion! Ginulat mo ko!"

"Manahimik ka. Mas nakakagulat tong sasabihin ko. Asan si Sehun?!" napatakip ako ng tenga nung sumigaw sya. Aba. Problema nito?! Parang mas malaki pa sa problema ko?!

Tatlong araw na lang kasi eh.

"Mas malala pa problema natin dyan," nangunot ang noo ko. Hays. Nakalimutan ko na naman na nakakapagbasa sya ng isip.

"May bago tayong problema?"

"Oo, mas malupit ngayon. Kailangan ko si Sehun at Chanyeol. Ngayon na,"

Sa isang snap ni Rion, biglang nag appear sa harap namin sina Sehun at Chanyeol.

Napatalikod ako ng makita kong hubad si Sehun.

"Woah! A-Ano! Noona! Bat ka nakatingin?! Bakit ako nandito?! Maliligo na ko eh!" kumuha ako ng twalya saka humarap ulit bago ihagis yung twalya kay Sehun.

"Nakakahiya kang bata ka!"

"Kasalanan ko bang maliligo na ko?"

Nakakahiya talaga. May babae pa naman.

Umalis muna ulit si Sehun para yata magbihis.  Kita ko ang pamumula ni Rion. Abat. Halatang halatang pinagnanasahan si Sehun. Tsk tsk.

"Atleast hindi ikaw pinagnanasahan ko, Tse!" napairap na lang ako. Bat ba lagi ko na lang nakakalimutan na nakakapagbasa sya ng isip?

Maya maya pa, dumating na si Sehun na bihis na. 

"Ano bang kailangan namin malaman?" tanong ni Chan. Ramdam ko na parang napipilitan lang syang makasama kami sa iisang kwarto.

Ano na naman kaya problema nito. 

"Masamang balita. Para sating lahat," ramdam ko na biglang may tension na bumalot saming tatlo.

Siguro dahil sa takot, kaba at iba pa. 

"Gising si Chanyeol at Sehun sa present,"

"Pano naging bad news yun, noona? Diba dapat masaya tayo kasi may humalili samin habang nasa past kami?" napatango ako sa sinabi ni Sehun. Pero bakit silang dalawa lang?

"Masamang balita yun, Sehun. Kasi yung mga version nyo na nasa present..."

Ay galing sa past?

"Tama ka Baek,"

"Wag kayong mag usap gamit utak nyo. Pano naman kami?" pagbibiro ni Chanyeol para lang gumaan yung atmosphere pero hindi.

Malaking problema nga yun.

"Yung past version nyo yung nasa present,"

Nangunot ang noo ni Chanyeol. Alam kong conflicted sya.

Sino bang hindi, diba? Bigla na lang syang napunta dito sa past tapos malalaman namin na gising sa present ang mga past ver nila. 

It's hard to take in. Ni hindi ko nga alam kung totoo ba to o talagang nananaginip lang ako. 

"Kung pwede lang maging panaginip lahat ng to, Baek. Sana matagal na kitang ginising,"napatungo ako sa sinabi ni Rion.

Kung pwede lang. 

"For now, since tatlong araw na lang naman kayo mananatili dito, the shit's still up, Baekhyun. You need to find reasons," pakiramdam ko na tense ako sa sinabi nya.

Future Changer (EXO OT12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon