XIII

98 6 4
                                    

Chapter 13

Sehun's POV (Future Sehun)

"Se," napatingin ako kay Jongin ng tawagin nya ko. Hay. Ano kayang kailangan nito?

"Sehun," pagtawag nya ulit.

"Ano yun?"

"Si Baekhyun hyung," Baekhyun hyung? Anong meron kay Baekhyun hyung?

"Bakit? May nangyari ba?" tanong ko. Ewan ko ba pero parang kakaiyak lang ni Kai kaya medyo kinakabahan ako.

"Sinugod na naman sa ospital," napakagat labi ako. Ano bang nangyayari kay hyung? Aftershocks ng pakakacoma nya?

Tangina! Kung may dapat sisihin, yun yung lintik na nagayos nung headlights ng concert eh.

Dahil sa pagkakacoma ni hyung, nagkagulo na buong career ng EXO.

Flashback

Pagkabagsak ng ilaw, akala ko walang nangyari kasi nasa kabilang dulo ako ng stage pero dahil sa hiyawan ng fans, napatakbo ako agad sa binagsakan ng ilaw.

"Baekhyun hyung!" natulala na si Chanyeol hyung, ang daming fans na umiiyak. Kabilang na sina Kai.

Pinagtutulungan na ng mga staffs buhatin yung ilaw may medics na din.

Ng matanggal yung ilaw, pinagtulungan buhatin ni Xiumin hyung saka Chen hyung si Baekhyun hyung.

Hindi ko alam kung bakit ganito yung pakiramdam ko. Hindi ako maiyak kahit gusto kong umiyak. Hindi pa rin nagsisink in sakin lahat ng nangyari.

Tumingala ako para makita kung gano kataas yung mga ilaw. Napakuyom ako ng kamao ng makita kong tatatluhing tao yung taas.

Wala namang mangyayari kay hyung diba?

Tumingin ako sa lapag. Sobrang daming dugo.

Kita ko ang pagtakbo nila Kai at Suho hyung pasunod sa mga nagbuhat kay Baekhyun hyung.

Naiwan kami nina Chanyeol at Kyungsoo dito sa stage.

Si Kyungsoo hyung, nagluluha na yung mga mata. Si Chanyeol hyung naman tulala pa rin.

Hindi to totoo diba? Nananaginip lang ako!

"N-Nasan na sila, hyung? S-Si Baekhyun hyung! Ang tagal naman nyang magbihis! Mag sisimula na oh!" hindi ko napansing naka suot pa pala ako ng mic kaya sigurado ay rinig ng mga fans yung sinabi ko.

"W-Wag muna kayong aalis ah? Darating din yun sina Suho hyung!" bakit ba sila umiiyak?! Wala namang nangyari eh.

"Papadating na yun! Konting hintay lang ah!?"

"Sehun! Tama na!" napatingin ako kay Chanyeol hyung ng sigawan nya ko.

"Hyung! Dadating si Baekhyun hyung! Walang nangyari sa kanya!" nilapitan ako ni Chanyeol hyung saka hinawakan sa magkabilang balikat.

"Sehun. Wag ka naman ganito," saka tumulo yung mga luha na kanina ko pa hinihintay. Walang nangyari kay Baekhyun hyung. Walang nangyari kay Baekhyun hyung!

"Hyung, bakit parang wala lang sayo?! Di ba bestfriend mo si Baekhyun hyung?!"

"Walang maitutulong kung iiyak ka ng ganyan!" napayuko ako. Oo nga. Di naman mapapagaling ng luha ko si Baekhyun hyung.

Tumakbo ako papuntang backstage. Pupuntahan ko si hyung!

After 1 week

Isang linggo ng nakaratay si hyung dito sa higaan sa ospital. Naibalita na din ang pagiging hiatus ng EXO.

Future Changer (EXO OT12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon