XVIII

91 5 2
                                    

Chapter 18.1 (Solving Kris' case)

Byun Baekhyun's POV

"Ganito, hyung. Kapag nag alarm na yung phone ko, gisingin mo ko. Hehe," sabi ni Sehun bago humiga sa kama ni Chanyeol.

Nasabi ko na bang nagswitch sila ng kwarto?

Flashback (6:45 PM)

Nasa kalagitnaan kami ng hapunan ngayon. Like the usual, maingay pa rin. Ano pa bang ineexpect mo? EXO yata yan. BhOuxXzS mAluPheet.

"Hyung, Baekhyun hyung," napatingin ako kay Sehun ng tawagin nya ko.

"Dun muna ako sa kwarto mo ah?! Ayokong makisiksik kay Chanyeol hyung at Suho hyung!" nilakasan nya yung boses nya na parang sinasadyang marining nila Chanyeol.

Babatuhin sana sya ni Chanyeol ng chopstick pero tinitigan ito ni Suho hyung ng masama.

"Kailangan din kasi ako ni Baekhyun hyung, Chanyeol hyung. Wag kang seloso hehehe," tumayo na mula sa pagkakaupo si Chanyeol na parang nadiscriminate ng sobra. Humawak pa sya sa may bandang dibdib nya. OA talaga nito.

"Ah, basta hyung. Ayaw mo man o hindi! Dun ako sa kwarto nyo! Saka, diba lumipat ka sa kwarto namin ni Suho hyung?"

Napa facepalm si Chanyeol. "Se, kaya ako sa kwarto nyo ni Suho hyung lumipat dahil sayo. Hindi ko gugustuhing makasama sa kwarto si Suho hyung!" saka sya sumalampak sa pagupo sa upuan nya. Sana masira yan para mahulog ka.

"Ay? Ganun? Hala bahala ka hyung. May usapan na kami ni hyung,"

End of Flashback

Alas otso na nang gabi. Ang napagusapan naming oras ni Sehun ay 11. Tatlong oras pa.

Tumingin ako sa paligid ng kwarto. Grabe. Wala pang ilang oras nang lumipat si Sehun dito pero sobrang kalat na.

Dalawang briefcase sa sahig, mga papel na nagkalat, cellphone nya nasa sahig din, mga medyas,..

Napabuntong hininga ako.

"Ayos lang yan, hyung,"

"Ay puta!" halos matumba ko dahil sa biglaang pagsasalita ni Sehun. Putang talaga. Akala ko hihimatayin ako.

"Akala ko matutulog ka?"

"Nagaalala ko sayo, hyung. Wala kang experience," nabatukan ko sya dahil dun. Mautak ako, di ko na kailangan ng experience.

"Nga pala hyung, kailangan ko ng tulong ni Kai. Patawag naman sya oh," sabi nya saka nag aegyo. Pumikit ako ng mariin. Baek, inuutusan ka nya. Wag kang papaapekto!

"Dali na hyuuung?" pagdilat ko ng mga mata ko, naka nguso nya sya. Ah! Bwisit. Bahala na.

"Oo na,"

--

"Kai, nasayo pa ba yung regalo ni Luhan hyung na ear piece?"

"Oo? Bakit?"

"Pahiram ako,"

"Diba binigyan ka din ni Luhan hyung?"

"Hindi ko alam kung saan ko nilagay eh,"

Dumistansya muna ako sa kanilang dalawa. Pagkapunta kasi dito ni Kai, inignore na ko ni Sehun. Napakabait na bata.

"Nakita ko suot mo yun kanina," nagcross arms pa si Kai. Oo nga naman. Bakit sya papahiramin ni Kai eh meron naman sya?

"Hihiramin ni Baekhyun hyung," napangiwi ako ng marinig ko ang pangalan ko. Memaidahilan lang tong kolokoy na to eh.

"Sige na nga. Pero bakit nyo kailangan ng ear piece? Magkasama naman kayo," makes total sense. Ano bang trip nito ni Sehun?

Future Changer (EXO OT12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon