XI

140 8 4
                                    

Chapter 11

Baekhyun's POV

Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Matakot ba kasi parang minamaligno ako, mangilabot ba kasi yung mga panaginip ko totoo pala o matuwa kasi may pag asa pa?

Ah. Bakit ba ko nag iisip ng ganito? Baka naman isa lang sa kanila yung nag suot sakin nito habang tulog ako?

Pero bakit nasa panaginip ko? Yung bracelet na sinuot sakin ni Chanyeol?

Nakakafrustrate!

“Baekhyun, nakasimangot ka ah?” napaigtad ako ng bigla akong tabihan ni Baekbeom hyung. “Ah wala to hyung,” talaga ba, byun baek? Wala? Halos mapairap ako dahil sa sarili kong konsensya. Takte parang ngayon lang ako magsisinungaling ah?

“Hindi halata sa mukha,” ano daw? Mukha bang stressed ako? Di uso ang ganung mukha sa mga tulad kong natural na gwapo. “Hyung, dapat ba kong ma offend dun?” napatawa naman si Baekbeom hyung. Napaka galing ko talagang joker kahit di ko alam kung anong joke sa sinabi ko.

Natural din kasi. Natural na joker di na kailangan pa mag isip ng mga jokes! Apir tayo, Chen!

Napaisip ako, sabi ng mga fans kasama si Chanyeol sa mga joker. Oo, joke yung sinasabi nyang sya ang pinaka gwapo samin at talagang worth ng tawa ang joke na yun.

Pero kung tunay na joker lang ang talagang hinahanap, kaming dalawa ni Chen yun.

Iba kasi yung sayang binibigay ni Chanyeol..

Napailing ako. Ano ba tong pumapasok sa utak ko? Kaya minsan umaagree na din ako sa sinabi ni Minseok hyung na hindi nga ako mukhang matalino.

Wala sa mukha! Nasa gawa! Beng!

“Hoy, Baek. Pangisi ngisi ka dyan mukha kang tanga,” napa ismid ako sa sinabi ni hyung.

“Mag mukha mang tanga, aba habulin pa din ng mga dalaga. Hyung alam mo kaibahan natin?” ngumisi ako ng malaki sa kanya.

“Ano?”

“ikaw hyung, di man mag mukhang tanga, habulin ka pa din! Ng daga!” at bago pa ko makaiwas, nabatukan na nya ko. Namiss ko din asarin itong si Baekbeom hyung. Kasi simula nung nagka CBX naging doble ang trabaho namin nila Xiumin hyung at Chen na halos di na ko nakakauwi dito samin. Laging dorm, company at scheds lang ang pinupuntahan.

“Ikaw na bata ka. Kahit nakakabwisit ka talaga minsan, namiss ko din yang pang aasar mo. Minsan ipakilala mo ko dun sa syota mo,” agad akong napatingin kay hyung ng sabihin nya yun. Syota?!

“Hyung! Wala akong syota!”

“Wala? Eh ano yung nakikita ko sa internet! Yung… kamiyembro mo! Si Chanyeol! Ano nga yung ship name nyo? ChanBaek? Kalat na sa internet totoy! Bistado ka na! Wag mo ng itago pa!” napa facepalm ako. Akala ko kung ano na. At malamang kalat yun. Bakit ngayon nya lang ako tinatanong?

“Ang sweet nyo,” nangunot ang noo ko sa sinabi ni hyung. Sweet?

“tignan mo? Suot mo pa rin yung bigay nyang bracelet sayo,”

“Sabi nya kasi wag kong tatanggal--,” napatigil ako ng may marealise ako. Pano nalaman ni Baekbeom hyung yung tungkol sa bracelet?

"Hyung pano mo nalaman yung tungkol sa bracelet?" kinakabahan na ko ng sobra. May parte sakin na umaasa, may parteng nangangamba.

"Diba four years ago sinabi mo sakin yung tungkol dyan sa bracelet?"

Four years ago..

Future Changer (EXO OT12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon