Chapter 2
Baekhyun's POV
Naguguluhan si Sehun. Alam ko. Kita ko sa mga mata nya. "Ano ba yun, hyung? Hindi kita maintindihan," ngumiti na lang ako ng pilit.
"Wala yun, maknae. Nabasa ko lang na quote," pagpapalusot ko. Tumango tango lang sya.
Ngayon na nandito ako, gagawin ko ang lahat para makabalik ng buo kami.
"Hyung? Tara na. Pinapasundo ka lang sakin ni Kasper hyung eh," pumayag ako at sumunod sa kanya.
Habang nasa daan papuntang practice room, biglang nagsalita si Sehun.
"Sometimes, changes can also mean danger," sabi nya na ikinatigil ko. Anong gusto nyang iparating?
Umuna na si Sehun pa puntang practice room habang ako, nakatayo pa rin dito. Para akong nastuck dahil sa sinabi nya kanina.
Ang sinasabi ba nya, hayaan ko na lang ang lahat dahil baka magkagulo pa?
No way.
Tinakbo ko na papuntang practice room. Posibleng may alam si Sehun!
Pabigla kong binuksan ang pintuan ng practice room. Lahat sila napatingin sakin at napatigil sa pag sayaw.
"SEHUN!" Pagtawag ko sa kanya. Lumingon naman sya sakin. "Bakit hyung?" Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa wrist nya.
"Kailangan nating mag usap," hihilahin ko na sana sya paalis pero hinarang kami ni Kasper hyung.
"No one's going out, Byun Baekhyun!" Nagulat ako sa pag sigaw ni hyung. Halos lahat kami. Napabitaw ako kay Sehun dahil dun.
Ano, Baek? Lalaban ka pa ba? Baka ibang pagbabago ang magawa mo at mapatalsik ka pa sa EXO? Bulong ng konsensya ko. Pero kasi.. hindi pwedeng hayaan ko na lang to.
"Pwedeng pwede naman akong maging si 'no one', Kasper. Makakaalis ka na dyan sa pinto," kinakabahan ako. Shit bakit ganito? Tumitigas ang bungo ko ng sobra.
"Baekhyun, I'm warning you!" Makikipag away pa ba ko kay Kasper hyung? Pakiramdam ko bibigay ang tuhod ko sa kaba.
"Kasper, hindi ikaw ang manager namin! Aalis ako kung kelan ko gusto!" Hinila ko ang kamay ni Sehun at tinulak si Kasper hyung paalis sa pag harang nya sa pinto.
Hindi ito ang gusto kong mangyari, swear. Ang tigas kasi ng ulo ni hyung.
Dinala ko si Sehun sa isang room na walang tao. Ang dressing room. Wala syang imik mula kanina.
Patulak ko syang binitawan.
"Sehun, anong alam mo?" Tumungo sya. Shit ayokong pwersahan kaming mag Q and A dito.
"Sehun! Tinatanong kita!" Kinalampag ko ang mesa na nakita ko. Alam kong mali ang paraan na ginagawa ko pero may gusto lang akong malaman at hinding hindi ko sya titigilan hanggat di ko naririnig ang gusto kong sagot.
"OH SEHUN!" Napapasigaw na ko dahil sa frustration. Galit sakin si Kasper hyung at parang pati sina hyung magagalit din.
"H-hyung..," nanginginig ang balikat nya. Nakatungo sya at parang natatakot sakin.
Napakagat labi ako. Baekhyun! Ano bang ginagawa mo?! Napahilamos ako sa mukha ko.
Linapitan ko si Sehun. Napaatras naman sya ng konti. Shit. Hindi ko sinasadya. Hindi talaga.
BINABASA MO ANG
Future Changer (EXO OT12)
FanfictionWhat if Byun Baekhyun is given a chance to go back on the past and restore the OT12? --