III

158 10 1
                                    

Chapter 3



Byun Baekhyun's POV



Kinuha ko ang salamin at tinignan ang buhok ko.


What the fuck?


"Hyung, anong nangyayari?!" Kinakabahan na tawag ni Sehun. Pati ako kinakabahan. Ano to? Bakit.. ganito?


"Baekhyun," napatingin ako kay Luhan hyung ng tawagin nya ako. "Bakit hyung?"



"Explain this shit," napakagat labi ako. Miski ako hindi ko alam kung anong nangyayari.



"Hindi ko din alam, hyung," baka namamalikmata lang kami diba? Pero kasi, imposible e.



"Baekhyun, wala tayo sa isang magic show o kung ano man. Hindi to nakakatuwa," napakagat labi ako sa sinabi ni Luhan hyung. Kung alam lang nya lahat ng nangyayari sakin ngayon..



It's beyond magic.



Napasalampak ako sa sofa. Pakiramdam ko ay konektado ito sa pagbalik ko sa past.



At mas lalo kong naiisip na panaginip nga ito.



"Baek, magpahinga ka muna," sabi ni Luhan hyung. Alam kong naguguluhan pa rin sya sa mga nangyayari. Kahit naman ako eh. Tumango ako at pumunta sa kwarto namin ni Yeol.



Bakit ba hindi ko napansin agad? Hindi na naman si Yeol ang roommate ko.



Wala akong alam sa mga nangyayari. Wala akong alam na dahilan kung bakit to nangyayari. At lalong hindi ko alam kung nananaginip ba ko o totoo talaga to.


Hindi ko din alam kung pano makakabalik sa future.


Ano na kaya nangyari sakin sa future? Comatose ba ko? Tulog?



Di ko namalayan na nakatulog na ko sa pag iisip ng kung ano ano.



"Baekhyun, gising na. Aamin na ko. Gusto kita. Gustong gusto. Gumising ka na. Dalawang linggo ka ng tulog oh. Mahal na mahal kita,"



"Baekhyun hyung, miss ko na kakulitan mo. Pati pag kagat mo sa balikat ko. Gising na, hyung. Wag mo ko pag hintayin. Alam mo ba? Nanaginip ako inaway mo daw ako. Sinigawan mo daw ako? Pero kahit ganun gusto ko pa rin na magising ka na kasi miss na miss na kita,"



Hindi ko mamulat ang mga mata ko. Para akong na stuck. Alam kong gising na ko pero ayaw kumilos ng katawan ko.



Panaginip lang nga lahat?


Nandun na eh.


"Luhan hyung, hindi pa rin sya nagigising," Luhan?


"Iwan nyo muna kami ni Baek. Kakausapin ko lang sya," rinig ko ang pag bukas ng pinto at pagsara nito.


"Baek. Gising na," unti unti kong namulat ang mga mata ko. Nandito si Luhan. Suot nya pa rin yung suot nya kanina.


Hindi ako nanaginip.


Napabuntong hininga ako. Akala ko, panaginip lang to. Hindi pa rin pala.


E ano yung narinig ko kanina?


Guni guni ko lang siguro.



Umupo ako para mas makausap si hyung ng maayos.


Future Changer (EXO OT12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon