XVII

112 5 0
                                    

Chapter 17


Byun Baekhyun's POV



Pumikit ako ng madiin. Panibagong problema na naman to.


Ngayon lang pumasok sa utak ko.


Nandito nga pala sila ni Sehun.



"Chan,"


"Oh?"


Huminga ako ng malalim. Ano bang kelangan kong gawin para matapos na to?


Nakakapagod na kasi.


Susukuan ko na lang ba talaga?


Ah fuck. Byun Baekhyun, wala ka nang ibang ginawa kundi tanungin sarili mo.


Walang mangyayari kung pagdududahan mo na lang ng pagdududahan yang kakayanan mo.


"Baek? Ano yun?" saka ako nabalik sa realidad nung tinawag ako ni Chanyeol.


Sa utak ko, determinadong determinado na ko.


Pero ang totoo, wala pa kong naiisip na pwedeng gawin.


"Limang araw pa, Chan. Please. Hindi ako aalis dito hanggat wala akong nagagawa," narinig kong napamura sya ng pabulong.


"Byun Baekhyun! Hindi mo ba nagegets kung anong nagyayari ngayon?!" Bakit ako sinisigawan nito?!


"Wag mo kong sigawan. Pagod ako,"


"Wala ka kasi sa future kaya di mo alam,"


"Ano bang hindi ko alam?"


"Nasa crisis ang EXO ngayon. Paniguradong kung itutuloy mo yang binabalak mo, wala na tayong babalikan dun," idinilat ko ang nga mata ko.


Hindi pumapasok sa utak ko yung sinasabi nya.


"Panong magkaka crisis ang EXO, Chanyeol?"


"Clueless ka ba? O sadyang iniiwasan mo yung topic?" clueless saan?


"Saan? Anong topic?"


"Coma ka sa future, Baekhyun. Isang araw dito, katumbas ang isang buwan dun," Bumalik ako sa pagkakacoma? Akala ko kaya ako nacoma dahil dun sa bumagsak na ilaw?


Saka isang araw dito? Isang buwan dun?!


"Wala akong pakialam. Kapag naayos natin dito, mababago ang future. Nakadepende ang future sating mga nasa past. Nagegets mo ba ko, Chanyeol?" bumangon ako mula sa pagkakahiga. Umupo ang ng tuwid sa kama saka humarap sa kanya.


"Kung kating kati ka nang umuwi, edi umuwi ka na. Hindi ko kailangan ng tulong mo lalo na kung napipilitan ka lang,"


"Baek.. Hindi naman sa ganun. Gusto kitang tulungan,"


"Gusto? Chan! Ano ba?! Wala pa kong ni isang move na nagagawa! Tapos pinapauwi mo na ko?! Tulong ba yun?!" huminga ako ng malalim. Ayokong pagtaasan sya ng boses pero nafufrustrate na ko ng sobra.


"Baek! Bakit ba hindi ka matutong makuntento?! Hindi pa ba kami sapat sayo?! Yung totoong mga taong naghihintay sayo, may pakialam sayo, nagmamahal sayo, nasa future sila, Byun Baekhyun! Tanggapin mo na lang kasi na wala sina Kris hyung sa future na hangad mo!"


Hindi ko alam kung bakit ang sakit. Bakit ganito yung epekto ng salita nya.


"Baek! Hindi mo ba naisip?! Yung mga sinabi ni Sehun sayo! Hindi tayo yung EXO na kaharap ng mga fans kung hindi nangyari yun! Wala tayo sa pwesto natin dun kung walang nangyaring ganun. Byun, umayos ka. Wag ka namang selfish!" nagiinit na yung gilid ng mga mata ko. Peste. Bakit ba ang iyakin ko?!



Future Changer (EXO OT12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon