XVI

111 5 0
                                    

Chapter 16

Byun Baekhyun's POV

Habang nasa daan pauwi, hindi ko maiwasang isipin yung mga sinabi sakin ni Sehun.

Bilang maknae ng grupo namin, alam kong sya yung pinaka nagdamdam nung umalis sina Kris.

Kasi tanda ko pa nun. Yung di sya kumain ng tatlong araw dahil umalis si Kris hyung. Yung nagkulong sya sa kwarto nila ni Suho dahil umalis si Luhan. Yung halos magwala sya nung umalis si Tao.

Anong nangyari? Bat nagiba ihip ng hangin?

"Baek, wag mo titigan si Sehun. Baka matunaw," napairap ako sa sinabi ni Chanyeol. Medyo inis pa ko sa kanya dahil dun sa ginawa nya kaninang umaga.

"Sakin ka na lang tumitig," dagdag nya saka tumawa. Self support amp. Wala namang nakakatawa dun sa sinabi nya.

"Ayan ah! Hyung ah! Hokage!" pagrereact ni Sehun na kala ko tulog. Bwisit.

"Kapag ako bumawi sayo, Sehun, walang iyakan ah?" tapos ngumisi ako.

"Sabi ko nga walang hokage moves si chanyeol hyung eh.." sabi nya saka umayos ng upo sa tabi ko.

"Hyung hyung, hindi kaya managot ako kay manager hyung? Iniwan ko yung motorbike nya dun," natawa ako imbis na magalala.

"Saan mo balak pasakyan yun? Sa mga kalahi ni Chan?"

"Sa mga kalahi kong gwapo?" Gwapo? San banda?

"Gwapo? Walang wala ka pa nga sa singit ni Sehun e," tumawa ng malakas si Sehun sa sinabi ko. Aba. Totoo naman. Kita ko naman ang pag busangot ni Chanyeol. Buti nga sa kanya.

"Talaga? Kaya pala halos maglaway ka sa abs ko noon," napanganga ako sa sinabi nya. Kelan nangyari yun?! Bat di ko alam?!

"Hoy, ikaw lang nakakaalam nyan,"

"Di ba, Se? Kita mo?" tinitigan ko si Sehun ng masama na parang sinasabi sa kanya na pag umoo sya, patay sya.

Pero parang wala lang sa kanya.

"Oo, hyung! May picture pa nga ako nun eh! Pag balik natin sa future, ipapakita ko tapos iaupload ko din sa insta!"

"Oh Sehun!!"

--

"Oo hyung, priceless yung mukha ni Baekhyun hyung! Hahaha!" pagkukwento ni Sehun sa nangyari kanina sa kotse syempre maliban dun sa may mga futurechichi. May mga actions pa. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa pinag gagagawa nya.

Pinagmamasdan ko lang sila. Alam ko ang weird nun kasi bilang Byun Baekhyun, isa ako sa mga,.. alam nyo na.

Parang ang saya saya ni Sehun. Halos hindi ko akalain na sinabi nya sakin yung sinabi nya kanina.


Ewan. Ang gulo.

"Malalim na naman iniisip mo. Ako siguro yan?" nangunot ang noo ko sa sinabi ni Chanyeol. Teka. Bat masyadong maiksena tong isang to?

"Tumigil ka. Isang brazilian kick ka lang," tumawa naman sya. Muntimang lang. Ang sakit kaya sa tenga.

"Suho hyung, halika dito," pagtawag nya kay Suho hyung. Ano kayang plano nitong higanteng to?

Lumapit naman si Suho hyung saka tumabi sakin.

"Bakit, Yeol?"

"Wala lang," napangiwi si Suho hyung kay Chanyeol. Sinong hindi diba?


Future Changer (EXO OT12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon