Epilogue

128 6 4
                                    

Last Chapter


Byun Baekhyun's POV


"Hyung, gising na,"


Napabangon ako bigla, naghahabol ng hininga.


A.. Anong nangyari?


"Hyung, dahan dahan lang," pag alalay sakin ni Sehun. Nandito na si Sehun. Agad agad?



"Kakagaling mo lang sa coma, ang active mo agad?" natatawang sabi ni Chen na alam kong sa likod nito ay ang sabik nya na makausap ako.


Pitong mga mata ang nakatingin sakin, nakapalibot sila sa hospital bed ko.


"P-Pwede ko bang makausap si Sehun at Chanyeol? Privately?"


"Pota, love triangle. ChanBaekXSeBaekXChanHun,"-Chen. tinignan ko na lang sya ng masama.


Isa isa silang naglabasan maliban sa dalawang taong pinanatili ko.


"A-Anong nangyari, Sehun? Yeol?"


"Nangyari saan, hyung?"


"Sa.. Sa past?"


"Ha? Ayos ka lang, Baek?"


Nangunot ang noo ko. Ano to?


"Nahulugan ka ng ilaw, hyung. Pang pitong araw mo na to sa ospital! Kinabahan kami sayo, hyung! Akala namin kung ano nang nangyari sayo!"


Panaginip lang lahat?


Sinilip ko ang kamay ko.


Nandun yung bracelet na bigay ni Chanyeol..


What the hell happened?



<<REWIND<<



"He cant oppose it. No one can. It all happened for a reason,"


Hindi pa rin maproseso ng utak ko yung sulat na nabasa ko. 



Kasalanan ni Youngmin? 



All this time, inisip namin na ginusto nila hyung na iwan kami.



Di ko na alam gagawin ko. Masyado na kong nagiging desperado.



Kinuha ko yung librong bigay ni Rion kay Sehun. Imbis na gawin yung last shot ko, ito na lang.



Para maliwanagan lahat. Lahat kami.



Pinatong ko ito sa ibabaw ng lamesa at binuklat.



Isang parang screen ang lumabas sa taas ng libro. Blangko pa ito.



"Tell us the reason! Bakit siyam na lang kaming nagpapatuloy?! Bakit hindi pwedeng mabuo ang EXO?!"



Noong una, inakala ko na mga words ang lalabas sa screen. Pero hindi. Mga scenes.



Third Person's POV




First, it flashed Suho. The leader.
Sa pagluha nga gabi gabi simula ng umalis si Kris. Walang sinuman ang nakakaalam nito. Ang pagsisi nya sa sarili nya sa unti unting pagkakawasak ng grupo. Pero tumigil ito.


Nagflash ang muli nyang pagtayo. At pag gawa nya ng paraan para ma-iahon ang sarili at pagabot ng kamay sa mga miyembro nyang nakadapa pa rin mula sa pangyayaring nagwasak sa kanila.


"Nandito ako. Para sa inyo,"


Sumunod si Minseok. Ang pilit nyang pag bago sa sarili para makipag cope up sa mga miyembro. Pinakita dito lahat ng scenes kung saan sinusubukan nyang ipakalimot sa mga miyembro ang kakulangan sa kanila. Bilang pinaka matanda.


Sumunod si Lay. Ang malimit nyang pagkatulala at minsang pag tanong sa sarili kung saan sya nagkulang. Saan nga ba? Kaya simula ng may umalis, ginawa nya ang lahat para mas gumaling, mas maipakita sa lahat na matatag sila.



Si Chen. Ang pagtago ng lungkot sa bawat sayang binibigay nya. Ang pagpapasaya sa mga miyembro para maibsan ang lungkot na nadarama. Ang madalas na pagpapatawa para lang maipakita na kahit kulang sila, kayang kaya pa rin maging masaya.


Sunod ay si Baekhyun. Hindi nya tanggap. Ang kinalabasan ng grupong pinanggagalingan. Hindi nya gusto ito. Laging iniistalk ang mga dating kamiyembro, umaasang may magsasatisfy sa idea nyang babalik pa ang mga ito. Hanggang sa dumating ang tyansang matagal nyang tinatamasa. Ang pagbalik nya sa nakaraan upang malaman ang dahilan. Sa paglipas ng araw, ang unti unti nyang pagtanggap sa katotohanang panaginip lang ang pagbabalik ng tatlo.



Sunod si Chanyeol. Ang taong pinaghalong Chen at Suho. Nagagawang magpasaya pa rin kahit talagang gusto na nyang umiyak. Mababaw lang din si Chanyeol. Sa tuwing nakikita nya yung mga fans, pakiramdam nya lagi syang naiiyak dahil wala man lang lang nagawa upang mapigilan ang tatlo sa pag alis pero ito ang naging dahilan kung bakit kaya nyang tumayo, kung bakit mas naging matatag sya.


Si Kyungsoo. Ang pananatili nyang tahimik. Silent but in pain. Wala syang pinagsabihan. Alam nya ang tungkol sa pag alis ng tatlo bago pa ito mangyari pero sinarado nya ang bunganga nya at pinanuod ang pagwasak nito sa grupong minamahal nya. Hanggang ngayon ay dala dala pa rin nya ang guilt mula sa nangyaring yun pero sa kabila nito, dahil sa pangyayaring yun, natutunan ni Kyungsoo na mas magtiwala sa mga miyembro nya.

Si Kai. Dahil sa pag alis ng tatlong mga taong naging minsang sandalan nya, natuto syang dumipende sa sarili nya. Wala syang ginawa kundi ang magpractice ng magpractice para maipakita sa EXO-Ls na mawalan man o hindi, sila pa rin yung exo na inidulo nila. 

si Sehun. Ang pinakabata. Ang pinaka nagdamdam ng umalis ang tatlo. Lalo na nung umalis si Luhan. Mula sa pagiging bibo at masyadong pag didipende sa kanyang mga hyung, nag mature sya dahil sa nangyaring pag alis. Ginawa nya ang lahat para maiparamdam sa kanyang mga hyung na kung hindi dahil sa kanila, hindi sya ang Sehun na kilaka ng mundo ngayon, na sila ang dahilan kung bakit nakaya nyang tanggapin lahat ng sakit na bigay ng pag alis ng tatlo.

Sa buong grupo, ang dinulot nito ay ang mas pagiging kongkreto ng siyam. Ang mas pagtitiwala sa isat isa. Nagflash sa screen ang mga scenes kung saan kahit hindi na sila buo, napatunayan pa rin nila ang kanilang moto na 'We are one'. Pinakita din dito ang mga tagumpay na tinamasa nila dahil sa pagiging iisa nila. Pinakita din dito ang nga problemang nalampasan nila dahil sila ang exo. Sila ang grupong minsan nang nagulo pero hindi kailanman natibag. Hindi nila kakailanganin maging buo para masabing iisa sila. Hindi nila kailangan maging popular para masabing nagtatagumpay sila. Hindi nila kailangan ng mga awards o anuman para mahalin sila. Kasi sila ang exo. Nakaya nila ang lahat ng pagsubok na tinapon sa kanila ng taas.


At sa EXO-Ls. Ang pag luha nila dahil sa sunod sunod na issue na hinarap ng grupong iniidulo nila. Sa nangyaring pag alis ng tatlo, nagdulot din ito ng pagkabawas sa kanila. Ang mga tunay na eris ang nanatili. Pinatunayan nila sa mundo na kaya nila, pinakita nila na maging kulang man o buo ang exo, nandito sila para sa kanila. Sinamahan nila ang grupo sa lungkot at saya. Nabawasan man, hindi naman ito maikukumpara sa mga taong nadagdag. Siguro't masasabing isa sa mga worst fandom ang EXO-Ls pero sila din ang pinaka matatag sa lahat.

Natigil ang pagpaflash ng mga scenes. Isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa dinning area.


At sa pag mulat ng mga mata ni Baekhyun, nasa present na sya.


--

Fin.

Future Changer (EXO OT12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon