XII

125 4 5
                                    

Chapter 12

Baekhyun's POV

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko. Nandito na rin si Yeol at paniguradong tulog na samantalang ako, hindi pa rin makatulog.

Buong gabi kong inisip yung sinabi ni Rion.. Nagbabago? Feelings? Pano kapag di naging success yung trabaho ko dito? Di na mababalik sa normal lahat kasi nabago na?

Hindi e. Magulo. Ang gulo. Bakit ganun?

Baek, tandaan mo. Nasa magulong mundo ka kaya normal lang yun.

Napabuntong hininga ako. Mas maging maingat siguro sa mga gagawin yung sinasabi ni Rion. Baka tinatakot nya lang ako?

Pero imposible. Pano nalaman ni Baekbeom hyung yung tungkol sa bracelet kung di totoo yung sinabi ni Rion?

Pero feelings? Nababago ang feelings? Pati feelings?

Sabi na e. May gusto talaga sakin si Rion.

Pero napaisip ako. Ilang araw na lang pala. Babalik na ko sa future. Pano na?

"Baek? Gising ka pa?" awtomatiko akong napatingin kay Chanyeol ng mag salita sya.

"Di obvious?" pang babara ko. Ngumisi naman sya.

"Nakatalikod ka kaya sakin,"

Oh edi ako na barado. Kainis.

"Pero seryoso. Anong iniisip mo?" tanong nya habang nakatingin sa kisame.

Magiging ayos lang ba kung sabihin ko sa kanya? Wala namang mawawala sakin?

Pero kahit gusto kong sabihin sa kanya, ito pa rin ang lumabas sa bibig ko.

"Wala. Medyo trip ko lang mag puyat," saka tumingin din sa kisame.

Kita ko ang pag ismid nya sa gilid ng mga mata ko.

"Baek, sabihin mo nga sakin. Bakit nandito ka?" sa tono ng boses nya, parang di sya si Chanyeol na bestfriend ko. Ang lamig na ewan.

"Curious ka?" humarap ulit ako sa kanya. Tumango sya ng bahagya bago humarap sakin. Halos mapanganga ako sa lamig ng mata nya. Siguro inaantok lang sya?

Pero kasi. Parang walang buhay yung mga mata nya. Ano kaya nangyari dito?

"Yeol, ikaw yata may problema e,"

"Hyung," once in a blue moon lang ako tawagin ni yeol ng ganyan. May problema siguro talaga sya.

"May problema ka,"

"Iniisip ko lang. Kasi di ka naman papapuntahin dito kung walang naging problema sa future diba?" tumango ako.

"N-Narinig ko yung usapan nyo ni Rion nung ewan ko basta narinig ko," huh? Alin? Nangunot ang noo ko. Kelan?

"Y-Yung sinabi mo na kaya mo silang panatilihin?" yun? Sabi na. Narinig nya yun.

"Yeol,.."

"May aalis? Sagutin mo ko ng seryoso," tumingin sya ng direkta sa mata ko. Parang tumatagos sa bungo ko yung mga titig nya.

Pero isa lang ang klaro. Ayokong sabihin sa kanya. Paniguradong masasaktan sya bilang chanyeol na walang ibang gusto kundi ang mapasaya lahat ng tao sa paligid nya.

"Byun Baekhyun,"

Napalunok ako ng laway sa pagbanggit nya ng pangalan ko. Di ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng kaba sa paraan na pakikitungo nya sakin.

Future Changer (EXO OT12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon