A/N: so, susundan ko na lang po yung time frame dito na 2017 instead of 2018. Nakakalito kasi 😂😂 at paalala lang po, fanfiction po ito. Walang halong katotohanan.
Byun Baekhyun's POV
Sa nakikita kong mga ngiti nila, mas lalo akong nakaramdam na dapat ko ngang ayusin ang lahat.
"Baek, tahimik mo ah?" Biglang sabi ni Kyungsoo. "Ang sarap ng pagkain eh," sagot ko umirap naman sya at tinignan ako na nagdududa.
"Ako nagluto nyan," pagkasabi nya nun, nagkunwari ako na nasusuka kahit masarap naman talaga. Umakma sya na hahampasin ako ng kutsara. Napaka bayolente talaga nito. -,-
"Masarap naman hyung ah?" Sabat ni Kai tapos binato ako ng buto ng manok. Sapul sa mukha. "Hala! Hindi ko sinasadya hyung," medyo gulat pa sya sa nagawa nya. Napa facepalm sina Suho habang sina Sehun at Tao nagpipigil ng tawa
Pabirong inirapan ko na lang si Kai tapos ibinato pabalik sa kanya yung buto ng manok.
Ang sarap sa pakiramdam. Yung ganito. Walang problema. Kung pwede lang na ihinto ang oras, ginawa ko na.
Pagtapos namin kumain, nilapitan ko agad si Kris hyung.
"Kris hyung, samahan mo ko dali," nangunot ang noo nya. Iba din tong si baba hyung. Sya na nga may kasalanan sakin e.
"Bakit ako sasama sayo?" Ngumisi ako sa kanya at nilabas ang black card ni Suho hyung na nakita kong nakakalat sa sahig. Nanlaki ang mata nya at hinablot sakin ang black card.
"P-Pano..?" Inilingan ko sya at sinubukang hilahin sya palabas kaso damulag si hyung. Sobrang laki nya. Hindi ko to kakayanin.
"Pero Baekhyun, magagalit si Suho," daming arte ni baba. Gusto din naman. "Ayos lang yan, hyung. Ako bahala," kinindatan ko sya at tuluyang hinila palabas ng kwarto. Nagulat din ako dahil nakaya ko syang hilahin palabas.
Dahil nga galing ako sa 2017, alam ko na kung pano makatakas ng walang nakakaalam.
Dinala ko si Kris hyung sa isang tagong gubat malapit sa dorm. May tree house kasi akong pinatayo dito.
"Baek, san to? Pano natin malulustay pera ni Suho dito sa gubat?" Muntik na ko mapafacepalm sa sinabi ni Kris hyung. Isa lang talaga syang dambuhalang tao.
"Hyung, kelangan muna kitang makausap," tumigil ako malapit sa tree house. Malapit pero hindi pa rin halata. Walang ibang pwedeng makaalam nun dahil sikretong lugar ko yun.
"Ha? Bakit? Dahil sa nangyari kanina? Baekhyun, wag mo sabihin saking mamamatay tao ka at papatayin mo ko dahil sa nangyari kanina?" Ako?! Mamamatay tao?! Buset. Mukha kong to?
"Hyung, kalma okay? Wag kang OA,"
"Ano ba kasi yun?" Di makapag hintay?
May nakita akong ugat ng puno na pwedeng upuan. Pumunta ako dun at humiga. Oo, humiga. Pinatong ko yung ulo ko sa ugat ng puno at nilagay yung kamay ko sa may batok ko para may suporta.
Tinignan ako ni hyung na parang nawiwirduhan sya sakin. Mas weird sya. Talaga.
Pero kahit mukha akong tanga sa paningin nya, sumunod din sya sakin at ginawa din yung ginawa ko.
"Hyung," ito na. Nagsisimula na. Gusto ko, yung gagawin ko ngayon, worth it. Para makahanap ako ng solusyon sa hinaharap namin ngayon. "Hmm?"
"Kung wala ka sa EXO,. Ano ka ngayon?" Medyo natawa sya sa tanong ko pero nung nakita nya na seryoso ako, nagseryoso din sya.
"Probably,.. I'm the number one fan, the number one EXO-L," ngumiti sya (labas gilagid) at tumingin sa langit. Napa buntong hininga ako. Yun na yun din ang sagot nya sa tanong na yun noon. "Bakit mo natanong?"
"Di ko din alam, hyung. Bigla na lang pumasok sa utak ko," napatahimik kami ng ilang segundo pero nawala din nung nagsalita sya.
"Eh ikaw, Baek? Ano ka kung wala ka sa EXO?" ako? Sumilip ako sa mga stars sa langit.
Taong 2015 hanggang 2017 at nagpapatuloy, we, EXO, are being compared to the stars.
Shinning brightly, above from them all. But little do they know,..
Sobrang ganda lang ng mga yun kasi ang layo. But eventually, they're all dying.. inside.
Ano nga ba ako kung wala ako sa mga star na yun?
"Kung wala ako sa exo, siguro.." ano nga ba? Ano nga ba ako kung hindi ako isa sa mga taong naging pamilya ko na din?
"Siguro, hyung, normal na ulit yung buhay ko? Normal, masaya, walang limitations," tumigil ako sandali para tignan ang reaksyon ni Kris hyung. Nakatingin lang sya sakin. Wala akong mabasang emosyon. "Pero siguro, kahit normal yung buhay ko ulit, yung walang limitasyon, yung walang kawalan ng privacy, yung walang mahigpit na company, siguro kulang pa rin? Hindi pa din totoong masaya?"
"What do you mean?"
"Kasi hyung, lahat kayo, kung wala kayo, hindi ako si Byun Baekhyun na nasa harap ninyo. Kung wala kayo, puzzle with a missing piece pa rin ako," Kailangan may effect sa kanya tong mga sinasabi ko. Kailangan mapahinto ng mga sinasabi ko yung nalalapit na pag alis nya.
"Hyung, hindi ko alam kung magiging buo pa ba ang exo kung may mawawala kahit isang member," kita ko ang paglambot ng expression ni Kris hyung. Sana maging malambot din sya pag dating ng araw na kinatatakutan ko.
You need to know why things happened by fate.
Nangunot ang noo ko ng maalala ko yung sinabi ni luhan hyung. Why things happened by fate?
Bakit ko pa aalamin kung kaya ko namang ibahin?
I am given a chance. I wont waste it.
"Baekhyun,"
"Bakit, hyung?"
"Kailangan mong maging matatag. May umalis man o wala," ha? Napansin siguro ni hyung na nangunot ang noo ko.
"We can never change what fate wants. At ang mas malala, we can never know what fate wants," Fate? Fate again?
Tumayo si hyung at pinagpagan ang pangupo nya. Ganun din ang ginawa ko.
Siguro nga, hindi ko kakayaning kalabanin si Fate pero kahit ganun, gagawin ko pa rin yung makakaya ko. Para at the end of the day, kahit din ko magawa yung objective ko, atleast I tried.
"Hyung,"
"Ano yun?"
"We may not know what fate wants, we may not change what fate wants... but we can always change our desicions and look through words,"
Para sa lahat, para sa mga minamahal kong aeris, para sa mga kapatid kong nanggaling sa ibang nanay, gagawin ko to.
Kasi alam ko, lahat ng to, nangyayari dahil may dahilan. Kaya kahit anong mangyari, gagawin ko. Susubukan ko.
Even if it's life or death.
BINABASA MO ANG
Future Changer (EXO OT12)
FanfictionWhat if Byun Baekhyun is given a chance to go back on the past and restore the OT12? --