IX

137 7 3
                                    

Chapter 9

Kyungsoo's POV

"May iba," napaigtad ako ng tabihan ako ni Luhan hyung. Alam ko, ramdam ko nananahimik lang ako para wala ng gulo.

"Hoy, Soo," kasi pag nagsalita pa ang isa samin, sigurado lamat yun samin.

"Kyungsoo," saka baka may problema lang si Baekhyun o si Chanyeol o pati si Kris.

"Do Kyungsoo," ng sasabay sabay? Sabay sabay silang nagka problema? Oo nga, may mali nga.

"KYUNGSOO!" Nangunot ang noo ko sa impit na sigaw ni Luhan hyung. "Ano ba yun?"

"Kanina pa kita tinatawag!" napapikit ako sa ingay ni Luhan hyung. Ano ba to? Wala nga si Baekhyun at Chanyeol pero ito naman sya, pinipeste utak ko.

"Bakit ba?"

"May iba!" napabuntong hininga ako. Anong gagawin ko kung may iba? May magagawa ba ko?

Saka kaya na nilang solusyunan yun. Adult na sila.

"Hoy!" napapikit ako ng madiin ng makita kong papalapit si Chen samin. Kung naiingayan na ko kay Luhan hyung, pano pa kaya dito sa isang to?

"Kyungsoo! Luhan!" Ayoko na. Lilipad na ko papuntang mars.

"Ano yun, Dae?" attentive na tanong ni Luhan hyung. Napapikit ako. Sana naman fi nila basagin ang eardrums kong basag na dahil kay Baekhyun.

"Tignan mo si Suho hyung o," tas tinuro nya si Suho hyung na nasa tapat ng pintuan ng ChanBaek. Nakadikit ang tenga nya sa pintuan. Nakikinig?

Byun Baekhyun's POV

"I-I... I..," utal utal na pagsasalita ni Chanyeol. Kung wala kami sa ganitong sitwasyon, panigurado tawang tawa na ko sa kanya.

"Hello, Chanyeol-oppa!" napairap ako sa masiglang pagbati ni Rion kay Chanyeol. Hindi naman kailangang lantaran ang pagiging sasaeng nya diba?

Napangiwi ako ng lumingkis sya kay Yeol. Kay Chanyeol pa nga lang, gumaganyan sya pano pa kaya pag si Suho hyung na? "Tumahimik ka nga dyan Baekhyun. Rinig na rinig kita," sabi nya at sinamaan ako ng tingin. Nginisian ko lang sya at inirapan. Kala mo naman napaka ganda.

"Selos ka ba? Edi ikaw lumandi dito sa bestfriend mo," Bakit naman ako magseselos? Nandito ako para mag ayos ng future hindi makipaglandian sa bestfriend ko. [/rolls eyes 360°; 

Napatingin ako kay Rion ng bigla syang mag shift ng lugar at napunta sa tabi ko. Halos mapatalon ako sa gulat. "Alam mo, dati ayoko maniwala sa sabi sabing bakla ka pero ngayon,.. Ewan ko na lang," pangaasar nya tapos nilapit nya pa yung mukha nya sakin.

"Hindi ako bakla!"

"A-Ano..," sabay kaming napatingin kay Chanyeol ng mag salita sya. Anong ano?

"P-P..Pwede na ba kong... L-l-lumabas? Baka nakaka istorbo ako ng... M-m-moment nyo," halos masuka ako. Moment?!

"Chanyeol oppa! Hindi ko iddate ang baklang yan!"

"As if naman maganda ka diba? Walang wala ka sa kuko ni Taeyeon!"

"Ano?! Eh kayang kaya kong bilhin buhay nyang si Taeyeon mo! Like, ewww!"

"Bakit ba ko nandito?!" napatigil kami ni Rion ng sumigaw si Chanyeol. Pikit na pikit sya. Parang natatae.

"Ang pangit mo, Yeol," pangrireal talk ko sa kanya. Napakabait kong kaibigan.

Kita ko ang pag nguso nya. Iw.

Tatawa na sana ko ng maalala kong may problema pa pala kami.

"May mahalaga tayong pag uusapan. Rion, makaka alis ka na," inirapan ako ni Rion bago tuluyang maglaho. Nakakatakot minsan pag tititigan kasi yung ulo nya yung huling nawawala.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot saming dalawa. Hindi ko alam kung pano mag sasalita. Parang tibok lang ng puso ko ang naririnig ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito.

Ang awkward.

"Ano..,"

"Papatayin mo ba ko?" nangunot ang noo ko sa tanong nya. Papatayin? Nababaliw na ba sya?

"Nababaliw ka na Yeol?"

"Hindi ah,"

"Eh anong 'papatayin'?"

"..."

Napailing ako.  Siguro nagkakaganito to dahil sa mga nalaman nya. Medyo naiintindihan ko sya kasi alam kong nakakabaliw yung sitwasyon ko ngayon.

"Yeol anong alam mo?"

"G-G-Galing ka sa f-f-future," tama hinala ko. May alam nga sya. Napabuntong hininga ko. Pano to? Anong gagawin ko? Mababawasan ba yung dalawang natitirang chance ko?

Siguro nga imposible na ng sobra. Nakakafrustrate. Sobrang hirap bang ayusin kami? Sobrang hirap bang subukan?

"Baekhyun ng future, galit ka ba? Ano bang nangyari, bakit nandito ka? Saka hindi ka naman papapuntahin dito kung walang problema?" Tama si Chan. Hindi ako papapuntahin dito kung walang problema. Alam ko kung anong problema yun pero wala akong maisip na solusyon.

Oo, gusto kong bumalik sa oras na to pero kahit kelan hindi ko naisip kung pano, anong gagawin ko pag nandito na ko sa puntong to.

Ni hindi ko naisip na magkakatotoo pala.

Parang gusto kong magbreakdown. "Bakit kasi ako pa?" kita ko ang confusion sa mukha nya.

"Bakit ako pa yung kelangan bumalik?! Rion, Bakit ako?!" gusto ko syang sigawan. Ilabas lahat ng frustration ko, magalit sa lahat ng bagay sa paligid ko kasi kahit anong isip ko ng rason kung bakit ako, hindi pa rin nagmmake sense.

Walang wala ako kay Suho, Chanyeol, o kahit sino pa man pero bakit ako?

"Siguro dahil sa tingin nya, kaya mo?" kaya ko? I think no.

"Kaya naman siguro kitang tulungan? Bakit di mo sabihin sakin lahat ng nangyari?" napatingin ako kay Chanyeol ng sabihin nya yun. Dapat ba kong magtiwala sa kanya?

Siguro di na rin masama.

Ibubuka ko na sana bibig ko para magsalita pero biglang bumukas yung pinto.

Isang nagaalalang Suho, gulat na Kyungsoo, nakaismid na Luhan at laglagang pangang Chen.

Napafacepalm ako. Can this shit get any worse?

Rion, pinapahirapan mo ba talaga ako?!

Future Changer (EXO OT12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon