Baekhyun's POV
Future? Pano kung.. Pano kung alam na nya?
"F-f-future?! Ah oo future! HAHAHAHAHA! Future!" Huh? Ano daw? Halatang halata na may tinatago sya
"Yeol? Yung totoo?" pinaningkitan ko sya ng mata.
"Anong t-totoo?"
"Yeol?"
"H-Haha.. Tara tulog na tayo," awkward na sabi nya tapos nagtalukbong ng kumot. Napailing na lang ako. Alam ko, halata sa kanyang may tinatago sya.
Wala na din akong nagawa kundi ang bumalik sa pagkakahiga. Kung ayaw nyang sabihin sakin, hahayaan ko muna.
Hindi din nagtagal, nakatulog din ako. Siguro dahil na din sa pagod at pangamba.
--
Ibat ibang boses, ang dami. Bakit ganun? Parang pinalilibutan nila ako.
"Hyung, ilang araw na syang tulog!"
"H-Hindi sya mawawala diba?! Hyung!"
"Suho hyung!"
"Ano ba?! Wag kayong mag isip ng ganyan! Babalik satin si Baekhyun! Di nya tayo iiwan!"
"Shut up, will you?! Let him rest!"
Naririndi ako sa ingay. Pakiramdam ko sobrang pagod ng katawan ko. Wala naman akong matandaang ginawa ko.
Ah. Right. Nag time travel kuno ako. Pero imposible. Naririnig ko sila ngayon at rinig ko din ang tunong ng beep ng machine sa ospital.
Sabi na. Masamang panaginip lang lahat yun. Wala ng pag asang maayos ko kami. Wala ng pag asang maayos kami.
Sa naisip kong wala ng pag asa pa, nag init ang gilid ng mga mata ko. Naiiyak ako na ewan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Hindi ba dapat masaya ako kasi panaginip lang lahat? Pero bakit ganito, naninikip ang dibdib ko.
Siguro dahil, gustong gusto kong maibalik sa dati lahat. Yung walang problema, yung kami kami lang.
"Hyung! Umiiyak si Baekhyun hyung!"
"Baekhyun!"
"Byun Baekhyun!"
"Baekhyun! Gising! Baek!" halos mapatalon ako ng makaramdam ako ng may umaalog sakin.
Napahinga ako ng maluwag ng malaman kong nandito pa rin ako sa past. Panaginip lang pala yung kanina.
"Baek! Bilisan mo na! May shoot tayo ng exo showtime!" nakikita ko sa mukha ni Chanyeol na nagmamadali talaga sya. Teka anong oras na ba?
Ang cellphone ko? Shit! Oo nga yung cellphone ko! Wala akong dalang cellphone dito! "Yeol, Yeol! Yung cellphone ko?" napatingin sya sakin, nanlalaki ang mga mata.
"D-Diba t..t-tinago mo yun s-sa ilalom ng kama para h-hindi makuha ni Suho?" pinaningkitan ko sya ng mata. Bakit nauutal to? Nagtatanong lang ako e.
Kinapa kapa ko sa ilalim ng kama ang cellphone ko at luckily, nandun nga. Kinuha ko ito at binuksan. Masaya na sana kaso may isa pang problema..
ANONG PASSWORD?!
Napatingin ako kay Yeol at nakatingin din sya sakin at sa cellphone kong may lock. Napakagat labi ako. Pano to? Pano kung makahalata na talaga si chanyeol pag tinanong ko kung anong password?
"z-zero five zero six," mahinang bulong nya tapos nagiwas ng tingin.
0506? Bakit di ko naisip yun? Birthday ko! Tinype ko yun at bwala! Nagbukas!
"Nabuksan ko! Nabuksan ko Yeol!" napayakap ako kay Chanyeol sa tuwa eksaktong may nagbukas ng pinto.
"Baekhyun! Chany— oh..," unti unti ding sinara ni Suho hyung ang pinto at umalis. Awkward akong napabitaw kay Chanyeol.
Hindi ako makatingin sa kanya ng maayos. Kahit di ako nakatingin, alam ko na namumula yung mga tenga nya ngayon.
"A-Ano tara na?" tumango na lang ako bago tumakbo papuntang banyo.
--
Habang nag shoshoot ng showtime, di ko mapigilang malungkot. Nag iisang reality show nung buo pa kami.
Christmas Special ang shinushoot namin ngayon at alam ko sa sarili ko na nagsisimula pa lang, nalulutang na ko.
"Baekhyun!" biglang sabi ni Chen. Huh? Ano?
"Huh?"
Kita ko ang nag aalalang mata ni Chanyeol na nakatingin sakin.
"Ikaw napili ko!" Ah! Yung exchange gift! Ngumiti ako at ginawa lahat ng mga ginawa ko noon sa episode na to.
Siguro matatawag na acting na yung ngayon.
-- (a/n: hindi ko na pinahaba yung shoot basta ayun din yun. XD)
"Baek?" napatingin ako kay Suho hyung ng tawagin nya ko. "Ano yun hyung?"
"Ayos ka na ba? Wala ng masakit sayo?" napangiti ako sa tanong ni hyung. Napaka maalaga talaga nya. Walang duda na sya ang leader ng EXO.
"Ayos na, tanda! Konting tulog lang to!" masiglang sabi ko sabay akbay sa kanya. Sumimangot lang sya at kinuha ang wallet nya.
Wallet nya..
.....
"SINONG KUMUHA NG BLACK CARD KO?!" unti unti akong naglakad papalayo kay Suho hyung. Masama ito. Ni hindi ko alam kung san ko naiwan yung black card nya.
Napatingin sakin si Suho hyung na parang alam nya ang tumatakbo sa utak ko. Tinignan nya ko na para syang leon at ako naman ang target nyang kainin. Patay.
Bago pa sya makatakbo papunta sakin, tumakbo na ko papasok ng kwarto at nilock yun. Pano to?! San ko ba naiwan yung black card nya?!
Huminga ako ng malalim bago inalala kung san ko naiwan yung kailangan ko.
Ano.. Saan? Bakit di ko matandaan?
"Ito ba ang hanap mo?" napaigtad ako ng biglang sumulpot si Rion sa harap ko. Ilang beses akong tumango.
"Ilalagay ko to sa wallet ni Suho, pag ginawa mo ang ipapagawa ko," nangunot ang noo ko. Bat may kapalit? Ngumisi sya sakin na parang nang aasar. Hindi ko talaga maintindihan tong si Rion.
"Tignan mo yan buhok mo," utos nya sabay bigay sakin ng isang salamin. Kita ko yung part na naging puti dahil sa sinabi ko kina luhan hyung. "Anong meron sa buhok ko?"
"Tignan mo, titigan mo," parang,.. Parang wala naman kakaiba?
"It looks dry, idiot," napairap ako. Di pa ko naliligo e. Malamang. Nakatanggap naman ako ng batok galing sa kanya.
"That means someone knows—" hindi nya natuloy ang sasabihin nya dahil sa pagbagsak ng isang bagay. Napatingin kaming parehas dun.
Si Chanyeol, at isang cellphone sa sahig.
--
BINABASA MO ANG
Future Changer (EXO OT12)
FanfictionWhat if Byun Baekhyun is given a chance to go back on the past and restore the OT12? --