Chapter 15
Byun Baekhyun's POV
Hinila ko si Chanyeol palabas ng dorm. Wala na kong pakialam kung may makakita man samin basta isa lang ang gusto ko.
Gusto kong matigil na yung kalokohan nya.
Hindi ko alam kung anong nakapasok sa utak ni Yeol. Siguro ginawa nya yun dahil sa sobrang frustrations. Kasalanan ko din naman eh.
Hindi na dapat sya nasama dito.
Ng makarating kami sa parking lot, pinagbuksan ko sya ng pinto ng van namin saka sya tinulak papasok.
Pumasok din ako at pumwesto sa driver's seat.
"Hindi ka marunong magdrive," Napairap ako.
"Magaling ako sa mga VR ng kotse,"
"Iba pa rin yung sa totoo. Ako na magdadrive. Saan ba tayo pupunta?" Ang sarap sapakin! Ang yabang yabang!
"Hindi ako nagyayabang. Idedesgrasya mo pa tayo eh,"
"Tayo ka ng tayo dyan wala namang tayo," sagot ko saka umismid sa kanya. Napangisi naman sya, "Alam ko."
Lumipat ako sa shotgun seat para makalipat sya sa driver's seat. Ginawa mya naman ito agad saka inistart yung engine.
"Saan tayo pupunta?"
"Kahit saan. Basta walang ibang tao,"
--
through out the drive, walang sino man ang nagsasalita samin. Ni di ko alam kung saan nya kami dadalhin. Magtatatlumpung minuto na kaming nasa byahe.
"Nasaan na tayo? Bakit ang tag—" hindi ko na naituloy ang tanong ko ng tumigil kami sa isang lugar. Parang isang gubat wala akong kahit anong ideya kung nasaang lugar kami.
Ng bumaba sya ay bumaba na rin ako. Bakit pakiramdam ko, ako pa yung pinilit nyang sumama sa kanya?
Naglakad lakad lang kami hanggang sa umabot kami sa isang parang bangin na makikita ang buong Seoul sa taas.
Umupo sya sa ilalim ng isang puno kaya sumunod din ako at umupo sa katabing puno ng sinasandalan nya.
"Wala to sa future," napatingin sya sakin ng sabihin ko yun.
"Oo, alam ko. Unpredicted to," sagot nya. Napatawa ako. Malamang. Unpredicted to kasi ginagawa nyang unpredicted.
"Chan, hindi mo kailangan gawin to," napaiwas ng tingin sakin si Chanyeol.
"Tell me everything. I'll stop,"
"What everything?"
"Lahat ng nangyari sa future,"
Bumuntong hininga ako. Siguro may rason din kung bakit si Chanyeol yung nakaalam.
Siguro..
Gagawin ko to. Gagawin ko kasi sobrang tagal ko ng binitbit to. Sobrang tagal ng pasan sakin, sa balikat ko.
"Alam mo kung gano kahirap ang maging isang Idol. Halos anim na taon, wala akong kahit anong pinagsisihan. Hindi ako nagsising pumasok ako sa SM kahit alam ko kung anong pasakit ang ibibigay nila. Mula expectations, comaply rules, hectic practices, alam kong alam mo, Yeol," tumigil ako saglit. Parang napakasariwang alaala sakin ng mga nangyari mula pagtapak ko ng SM.
"Alam kong alam mo yung tinutukoy ko. Para makaakyat ng stage, hindi sasakto ang isang galon para sa pawis na bumuhos sa katawan natin. Bawat taon,pahirap ng pahirap. Hindi dahil sa napaka main excuse na hectic scheds pero alam mo yung, habang tumatagal, dumadami yung sumusuporta, dumadami yung bilang ng mageexpect. Dumadami yung bilang ng mga taong umaasa, na hindi natin sila bibiguin,"
BINABASA MO ANG
Future Changer (EXO OT12)
FanfictionWhat if Byun Baekhyun is given a chance to go back on the past and restore the OT12? --