Pagkaapos ng klase namin mag isa na ako nakakalungkot talaga pag wala si bessy haaay
"Ree tara na"
"Ha? San tayo?"
"Sa canteen hindi ka ba maglalunch?"
"Ok lang bang kasama mo ako?"
"Wag kang mag isip ng kung ano ibinilin ka sakin ng kapatid ko"
"Haha sabi ko nga tara na"
Habang naglalakad kami papunta ng canteen parang mas maganda yatang mag isa na lang ako kesa naman kasama ko si mr sungit. Pinapatay na ako ngayon sa isipan ng mga babae sa school grabe ang mga titig nila ang tatalim.
"Umupo ka na lang ako na bibili"
Tumango na lang ako sa kanya.Bumalik si mr.sungit sa table namin dala ang lunch namin. Gutom na ako pero hindi ako makakain ng ayos sa dami ng nakatingin samin
"Don't mind them"
"Ha?"
"Kumain ka lang wag mo sila pansinin"
Napangiti ako at kumain na akala ko wala syang pakialam sa mundo pero napapansin nya pala ang tingin ng mga tao.
"Tara" yaya nya
Sumunod lang ako sa kanya pumunta kami sa tambayan nya sa ilalim ng puno umupo sya at sumandal sa puno habang nakapikit. Kinuha ko na lang yong libro sa bag ko para magbasa may 45 minutes pa naman bago ang klase namin.
Habang nagbabasa ako di ko maiwasan na mapatingin kay sungit gwapo talaga sya maputi namumula mula ang pisngi nya ang tangos ng ilong mahabang pilik mata mapupulang labi aish umiwas ako ng tingin sa kanya na sana pala hindi ko na ginawa kasi nakita ko si Melissa at Dave binigyan ni Dave si Melissa ng bulaklak at hinalikan. Hindi ko na nakita ang mga sumunod na nangyari dahil may tumakip sa mata ko at sinubsob ako sa dibdib nya."Wag mong titignan kung alam mong masasaktan ka"
Tumulo ang luha ko tama sya dapat ipikit ko lang ang mata ko kahit pala masungit ang kapatid ng bestfriend ko may puso parin.
BINABASA MO ANG
Ang Kuya Ng Bestfriend Ko
HumorPano nga ba kung nasaktan ka na kakayanin mo pa bang magmahal ulit ? Eh pano kung ang iibigin mung muli ay ubod naman ng sungit ? Handa ka bang paamuhin at palambutin ang puso nyang naging bato na sa sobrang tigas at yelo na sa sobrang lamig read my...