Walang tayo

2K 47 2
                                    

Lumipas na ang Christmas at New year kaya naman balik school na naman kami hindi ko na sinabi kay Rose ang nangyari noong Christmas eve baka kiligin lang yon at madagdagan lang ang pag asa ko.

"Tinatamad pa talaga akong pumasok Ree" sabi ni bessy.

Tinawanan ko lang sya sa sinabi nya kahit kailan naman tinatamad syang pumasok.

Natapos ang lahat ng klase namin ngayong araw ng hindi ko pinapansin si Blake ganun din naman sya sakin.

"Bessy kamusta kayo ni kuya?"

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi na kasi kayo nagpapansinan dati naman mas mahaba pa ang sinasabi nya sayo kesa sakin"

"Ewan" ngumiti lang ako sa kanya na parang baliwala lang sakin ang sinabi nya.

Hinawakan ko ang kwintas na regalo sakin ni Blake at tinignan ito kalahating puso na may nakaukit na letter R sa gitna hindi ko maintindihan kung bakit kailangang kalahati pa pwede namang buo.

"Ang ganda naman ng kwintas mo bessy"

"Ah ito? May nagbigay kasi sakin nito"

"Hmm parang pamilyar sya may nakita rin akong ganyan eh hindi ko lang maalala"

"Baka naman sa jewelry shop hahaha"

"Haha baka nga"

Sinundo na si Rose nung crush nya na ngayong nanliligaw na sa kanya dahil may date daw sila kaya naman naiwan akong mag isa. Naisip kong maglakad na lang malapit lang din naman ang bahay namin sayang lang ang pamasahe.

Pagkalabas ko ng school ay may nakita akong magtitinda ng mga isaw kaya naisipan kong magmeryenda muna.
Pagkatapos kong magmeryenda ay nagsimula na akong maglakad.
Maya maya ay may humawak sa braso ko.

"Sabay na tayo"

"Walang tayo"

Natawa naman si Blake sa sinabi ko. Bakit sya tatawa eh totoo naman walang kami.
Pero nahiya din naman ako sa sinabi ko kapatid nga pala ang turing nya sakin baka isipin nya gusto kong maging kami.

"Bakit wala kang dalang sasakyan?"

"Wala lang gusto ko lang maglakad kaninang umaga kaya hindi na ako nagdala"

"Ah" sagot ko lang sa kanya at tahimik na kaming naglalakad.
Medyo nakakailang pero magaan sa pakiramdam yong katahimikan namin.

"Dito na ako" sabi ko ng makarating kami sa tapat ng bahay namin.

"Oh sige dyan ka na at aalis na ako hindi kasi pweding tayo"

"Ha?"

"Wala sabi ko alis na ako" sabi nya at ngumiti sakin.

Alam ko namang hindi pweding tayo kasi hindi mo ako gusto.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at binati si manang.

"Magandang hapon manang"

"Magandang hapon din iha tumawag pala ang daddy mo tumawag ka daw sa kanya pag namimiss mo na sila ng mommy mo"

"Haha si daddy talaga sige po manang salamat"

Simula noong pinaalam ni Blake na namimiss ko ang magulang ko naging malapit na kami sa isa't isa ni daddy ganun din si mommy madalas na silang tumatawag.

Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. Tinignan ko ang phone ko wala pang text si Rose kaya malamang hindi pa tapos ang date nya. Tinawagan ko na lang si dad.

"Hello anak" bungad ni dad

"Hello dad kamusta kayo ni mom?"

"Ayos lang anak tulog ang mommy mo napagod"

"Ah ganun ba pasabi mamaya tumawag ako"

"Haha oo naman nga pala anak tinatanong ng mommy mo saan mo gustong magcollege?"

Oo nga pala gagraduate na kami ng senior highschool kaya kailangan na naming pumili ng papasukan sa college.

"Baka dito parin dad sa North university"

Ang school kasi namin ay Highschool and college kaya kahit hindi na ako lumipat kasi si Rose ay hindi daw aalis.

"Ikaw ang bahala anak kung saan mo gusto susuportahan ka na lang namin"

"Yes dad thank you sige na po baka pagod ka dad bye na po I love you dad"

"I love you too anak ingat ka dyan bye"

Pagkatapos naming mag usap ni dad ay humiga na ako sa kama. Maya maya lang ay may kumatok sa kwarto ko.

"Iha kakain ka pa ba?"

"Hindi na po manang busog po ako"

Busog pa ako sa isaw na kinain ko kanina kaya naman nagpahinga na lang ako

Ang Kuya Ng Bestfriend Ko  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon