Smile

2K 59 1
                                    

Naglalakad kami ngayon ni bessy papunta sa room namin.

"Ree magbake naman tayo sa weekend" yaya ni bessy

"Bakit marunong ka ba?" Tanong ko

"Hindi pero marunong si kuya"

Napaiwas ako ng tingin sa kanya ng banggitin nya ang kuya nya.

"Uyy bakit namumula ka?" tanong nya

"Hindi ah" tanggi ko

"Yieeeh crush mo si kuya no?" Asar nya sakin

"Asa!"

Habang naglalakad kami ay walang ginawa si bessy kundi ang asarin ako.
Papasok na kami ng room nang makasabay namin si Melissa at Dave.

Sinamaan ako ng tingin ni Melissa pero nginitian ko lang sya kaya naman kumunot ang noo nya.

"Ano yon friends kayo kaya nginitian mo?" tanong ni bessy

"Haha hindi pero nakakasawa ng maging bitter" nakangiting sagot ko sa kanya

Pumunta na ako sa upuan ko at ganun din si bessy.
Nahiya naman ako ng makita kong nakaupo na sa tabi ko si sungit at nagbabasa ng libro.

Dumating na ang professor namin at nagturo na sya nakikinig lang ako ng maramdaman ko na may nakatingin sakin kaya naman nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Dave na nakatingin sa akin nginitian ko lang sya at halatang nagulat sya sa inasta ko hmmp akala nya ha nakamoveon na ako hindi lang sya ang lalaki sa mundo no.

"You don't have to smile just to show them you moved on"

Lumingon ako sa katabi ko at inirapan sya.

"Para alam nila na nakamove on na ako"

Lumingon sya sakin.
"Para sa sarili mo ang pag momove on para hindi ka na masaktan hindi para sumaya sila"

"Ah basta! Mabuti na yong alam nila"

"Ehem" natigil kami sa pag uusap ng mag fake cough ang professor namin.

"Baka gusto nyo kaming isali sa usapan nyo Mr. Hidalgo and Ms. Garcia?"

"Sorry sir" sabay naming sabi.

Ang Kuya Ng Bestfriend Ko  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon