Move on

2.1K 57 0
                                    

Nagising ako sa clinic. Pagkamulat ko pa lang si bessy agad ang nakita ko.

"My G!! bessy are you okay?! Saan masakit ha?!" Tanong sakin ng bessy ko

Natawa ako sa kanya sobrang oa kasi

"Haha hindi ako mamamatay bessy wag oa" biro ko sa kanya

"Kainis yang Melissa na yon I know sinadya nyang lakasan at patamaan ka ng bola" inis na sabi nya

"Hayaan mo na lang"

Sinamaan nya ako ng tingin
"Anong hayaan na lang yan kasi ang hirap sayo eh mabait ka kaya ka ginaganyan! Maghintay lang ang Melissa na yan matitikman nya ang bagsik ng paghihiganti ko mwahahahaha!"

Binatukan ko si bessy nababaliw na kasi kung ano anu sinasabi.

"Magtigil ka nga dami mong kalokohan haha" saway ko sa kanya

"Aray ko naman! Haay naku ano bang gusto mo ibibili na lang kita ng meryenda?" tanong nya sakin

"Hmm sandwich na lang tsaka tubig" sagot ko sa kanya

"Okay!"

Palabas na sya ng bumaling sya sa lalaking nakaupo sa bangko.

"Oh kuya bantayan mo si Ree ha baka kung anong gawin nyan" bilin ni bessy sa kuya nya

Tinignan lang sya ng kuya nya na para bang walang kwenta ang sinabi nya. Sungit talaga!

"Ehem" tawag ko ng pansin kay mr.sungit

Tumingin lang sya sakin.

"Ah ano thank you pala" sabi ko sa kanya

Tumango lang sya sakin. Ano ba yan! Ang tahimik nya talaga.

"Move on"

Napalingon ako sa kanya ng sabihin nya yon.

"Ha?"

"Magmoveon ka na, kaya ka pinag iinitan ni Melissa kasi alam nyang hindi ka pa nakakamove on" paliwanag nya

"Nakamove on na ako" sabi ko sa kanya

Ngumisi sya sakin.
"Talaga? Hindi kasi yon ang nakikita sayo"

Sinamaan ko sya ng tingin.
"Bakit ano bang nakikita sakin?" tanong ko sa kanya

"The way you look at him halatang halata na mahal mo pa lalo na kanina noong naglalaro kami kung tumingin ka sa kanya parang sobra ang paghanga mo I'm sure nakita yon ni Melissa and oh last time umiyak ka nung sweet sila diba?"

Natulala ako sa kanya hala! Ang haba ng sinabi nya grabe.

"Ang haba"

"What?!" iritang tanong nya

"Ang haba ng sinabi mo haha at oo tama ka siguro nga mahal ko parin si Dave but I know soon I'll be able to move on"

"Tss"
Ayan nagsungit na naman po sya pero nginitian ko lang sya. Nakakatawa kasi akala ko wala syang pakialam sa paligid nya yon pala alam nya ang nangyayari sa paligid nya.

Ang Kuya Ng Bestfriend Ko  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon