"Hawak kamay di kita iiwan lalalala~~~" kanta ni bessy habang nasa sasakyan kami
"Ano ba tigil mo na nga yan" namumula kong saway kay bessy
"Hahaha kasi naman bessy ang cute nyo ni kuya yiiiiee"
"Rose!" Nagbabanta ang tinig ni sungit
"Oo na kuya titigil na pero next sunday sama ka ulit samin sumimba ha"
Siniko ko si Rose para magtigil na sya sa pang aasar nya hindi na nakakatuwa dahil naiilang na ako.
Hinatid nila ako sa bahay bago sila umuwi sa kanila.
Pagkapasok ko nakita ko ang mga magulang ko na paalis na."Hey princess we have to go mag iingat ka lagi ha" paalam ni dad
"Kayo rin po ingat kayo"
Niyakap nila ako bilang pag papaalam.
"Anak kumuha pala kami ng katulong sorry anak alam naming ayaw mo pero nag aalala talaga kami kasi mag isa ka" sabi ni mommyTumango na lang ako at hinayaan sila ano pa ba magagawa ko eh andyan na hindi naman masama ang ugali ko para itaboy paalis ang katulong na kinuha nila.
Hinatid ko lang sila sa labas ng bahay namin at ng makaalis na sila ay pumasok na ako sa loob. Kung alam ko lang na aalis na pala sila sana hindi na lang muna ako umuwi aaminin ko nagtatampo ako sa magulang ko pero gusto ko parin naman sila makasama.
Nakahiga lang ako sa kama ko ng tumunog ang cellphone ko ng tignan ko ang natawag ay si Rose lang pala
"Oh?" Bungad ko sa kanya
"Hawak kamay lalala lalala~~" kanta nya
"Ano ba mang aasar ka lang ba?"
"Woah bessy chill ka lang haha"
"Tss"
"Hala nahahawaan ka na ni kuya ng kasungitan ah hahaha"
"Rose"
"Hmm"
"Umalis na ulit sina dad"
"Gusto mo bang pumunta kami dyan ni kuya?"
"Okay lang ba?"
"Oo naman"
"Sige wait mo kami bye"
"Bye ingat"
BINABASA MO ANG
Ang Kuya Ng Bestfriend Ko
HumorPano nga ba kung nasaktan ka na kakayanin mo pa bang magmahal ulit ? Eh pano kung ang iibigin mung muli ay ubod naman ng sungit ? Handa ka bang paamuhin at palambutin ang puso nyang naging bato na sa sobrang tigas at yelo na sa sobrang lamig read my...