Surprise

2K 49 2
                                    

"Let's go bessy" aya sakin ni Rose habang nasa tapat kami ng sasakyan na sumundo samin sa airport nagpunta kami ng U.S. para i-spend ang natitira naming isang linggong bakasyon bago kami magcollege at syempre para makita na din si Blake. Hindi namin pinaalam kay Blake na pupunta kami para naman masurprise sya.

Dumiretso kami sa bahay namin dito para hindi malaman ni Blake na nandito kami.

"Oh my! Anak I missed you so much" sabi sakin ni mommy habang niyayakap ako.

Lumapit naman si daddy para yakapin din ako.
"Namiss ka namin anak" sabi pa nya.

"Ay naku sayang tito one week lang kami dito" sabat naman ni Rose.

"Kaya nga dad bitin yon" sabi ko naman.

"Ang mahalaga magkakasama tayo okay kahit alam ko namang hindi kami ang pinunta mo dito haha" pang aasar ni daddy

Nagtawanan naman sila ng makita akong namumula sa hiya.
Pumunta na muna kami ni Rose sa kwarto para magpahinga dahil napagod kami sa byahe isa pa para may energy kami bukas panggugulo kay Blake.

Kinabukasan late na kami nagising kaya wala na sina mommy at daddy nakaalis na sila for work tanging katulong na lang natira.

"Bessy tara kain na tayo" aya ko kay Rose.

Sumunod naman sya sakin papunta sa dinning area.
"Ano kayang reaksyon ni kuya mamaya haha malamang magugulat yon"

"Haha oo nga baka sungitan tayo nun"

Nagtawanan naman kami habang naiisip namin ang magiging reaksyon ni Blake mamaya. Matapos naming kumain ay naligo na kami at nagbihis.

Nagpahatid kami ni Rose sa driver namin papunta sa company nila.
Pagdating namin ay pumunta na kami sa floor ng opisina ni Blake alam naman na yon ni Rose dahil syempre nakapunta na sya dito.

Papasok na sana kami ng harangin kami ng secretary yata ni Blake.

"Excuse me ma'am but you can't enter Mr. Hidalgo is with Ms. Scott" pigil nya samin

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya Ms. Scott? What the hell bakit bawal istorbohin?.

"It's alright he will understand" nakangiting sagot ni Rose

"Sorry ma'am but Ms. Scott will be mad at me"

Pero hindi sya pinansin Rose at nagtuloy tuloy lang pero bago nya mabuksan ang pinto ay nagulat ako ng higitin sya ng secretary.

"Ouch!" Reklamo ni bessy

"I said you can't disturb them and do you even have an appointment?!" Pasigaw na sabi pa nito

Nanlaki naman ang mata ni Rose sa inasta nito.
"Do you even know who I am?!"
Sigaw ni Rose

"No ma'am I don't even remember you scheduling an appointment!" Matapang na sagot nito.

"Tss you're fired!!" Galit na sigaw ni bessy

"You can't fire me"

"Oh really? I am Rose Cynthia Hidalgo and I am firing you right now! Right here! So leave!!"

Nagulat naman yong secretary sa sinabi ni bessy kaya naman napayuko na lang ito.

Tumuloy naman kami sa opisina ni Blake at nakita namin sya doon kasama yong Ms. Scott.
Pakiramdam ko ako yata yong nasisante sa nakikita ko.
The girl was kissing Blake torridly while sitting on his lap.

"Ha ha ha nice" mabagal na tawa ko kaya naman napatigil yong babae at napalingon samin.

"What the hell you guys are disturbing us!" Iritang sabi nito samin.

Napatayo naman si Blake kaya naman nahulog yong babae sa sahig.
"Ouch damn it Blake!" Reklamo ng babae.

Nang makabawi sa gulat si Rose ay saka nya sinigawan ang kuya nya.
"Ano to kuya!? Gago lang para wala kang iniwang umaasa sayo ah!"

"Look I can explain"

"No need malinaw naman eh kita naman namin hindi kami bulag sana lang sinabi mo agad hindi yong ganito susurpresahin ka namin pero kami pa ang nasurpresa ang galing hahaha astig mo nakakagago" tumatawa habang umiiyak na sabi ko sa kanya

"Tara na Rose gago pala yang kuya mo paasa"

Umalis na kami ni Rose sa opisina ni Blake. Hindi ako makapaniwala na ito pala ang pinunta ko ang masaktan ang makita syang nakikipaghalikan sa iba.

Ang Kuya Ng Bestfriend Ko  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon