Masaya akong naging maayos na kami ni Blake dahil nakapagpaliwanag na sya kung hindi lang ako pinigilan ni Blake ay susugudin ko yong Ms. Scott na yon sinira nya lovelife namin noon
Pauwi na ako ngayon ng bahay galing sa trabaho at wala kaming date ngayon ni Blake ewan ko ba dun araw araw kami nagdedate nun after ng trabaho pero ngayon lang hindi dahil busy daw sya maraming gagawin kaya umuwi na lang daw ako ng maaga. Wag lang syang magloloko naku!! Lagot sya sakin.
Pagkarating ko sa bahay ay nagtaka naman ako bakit madilim ang loob ng bahay wala akong nakikitang bukas na ilaw mula dito sa labas teka baka may magnanakaw?
Kinuha ko ang baseball bat mula sa kotse ko bago pumunta sa pintuan.Huminga muna ako ng malalim bago inihanda ang sarili ko bago dahan dahang pinihit ang doorknob.
Pagkabukas ko ng pinto ay umilaw lahat ng ilaw.
"SURPRISE!!!" sigaw nila
At nanlaki ang mga mata ng makita ang hawak ko nahihiya naman akong itinago ito sa likod ko.
"Hehe kasi akala ko may magnanakaw" nahihiyang sabi ko
"Hahahaha" sabay sabay na tawa nila napasimangot naman ako
"Haha happy birthday bessy" natatawang bati sakin ni Rose
Omo! Birthday ko nga pala bakit nakalimutan ko yon.
"Kita sa mukha mo anak na nakalimutan mo haha" natatawang sabi ni dad
"Haha oo nga po" nahihiyang pag amin ko
"Oh sige anak magpalit ka muna ng damit" sabi naman ni mommy
Tumango ako at ngumiti sa kanila bago umakyat sa kwarto ko.
Pagbukas ko ng kwarto ko ay nanlaki ang mata ko sa ayos nito.May mga balloons sa ceiling at ang kama ko ay puno ng mga teddy bear napalingon naman ako sa rose petals na nakakalat at nakahugis puso sa gitna ay nakatayo si Blake at nakangiti sakin.
"Hi" bati nya sakin
Napangiti naman ako sa kanya.
"Join me here" yaya nya sakin kaya naman pumasok din ako sa hugis pusong mga rose petals sa sahig.
Ngumiti sya sakin at inabot ang isang bungkos na bulaklak.
Nanlaki ang mata ko ng dahan dahan syang lumuhod at may kinuha sa bulsa nya."Ree I can't imagine my life without you in the next years that will come. I can't promise to love you dahil talagang mamahalin kita hindi pangako dahil gagawin ko na lang Ree are you willing to spend your lifetime with me? Be My Mrs. Hidalgo please?"
Naluluha naman akong nakatingin sa kanya.
"Yes I am more than willing to be your wife" sagot ko sa kanya
Agad naman nyang sinuot sa daliri ko ang singsing bago ako niyakap.
"Salamat"
-end
BINABASA MO ANG
Ang Kuya Ng Bestfriend Ko
HumorPano nga ba kung nasaktan ka na kakayanin mo pa bang magmahal ulit ? Eh pano kung ang iibigin mung muli ay ubod naman ng sungit ? Handa ka bang paamuhin at palambutin ang puso nyang naging bato na sa sobrang tigas at yelo na sa sobrang lamig read my...